'Fund the truth' para sa abogado ng mga akusado sa Dacera case, 6 digits na
- Nabanggit ni Claire Dela Fuente, ina ng isa sa mga akusado sa Christine Dacera case na umabot na sa 6 digits ang donation drive na ginagawa ng ibang mga kasama ng kanyang anak para makakuha ng abogado
- Nagulat din umano sina Dela Fuente sa pagresponde ng publiko dahil maliit man o malaking halaga ay ibinibigay sa grupo nina Valentine Rosales, isa sa humihingi ng tulong
- Bagaman at may kakayanan ang kanyang anak na magkaroon ng sariling abogado, tumutulong din sila sa paghingi ng tulong para sa mga kasama nito
- Enero 9 nang magsimula ang grupo nina Rosales na umapela at humingi ng tulong dahil aminadong wala sila umanong malaking pera upang makapagbayad ng abogado nila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umabot na sa 6 digits ang donation drive na ginawa ng grupo nina Valentine Rosales, ang mga kaibigan ng yumaong flight attendant na si Christine Dacera na nasasangkot sa kaso nito.
Nalaman ng KAMI na ginawa nila ang page na 'Fund the truth' para makalikom sila ng pera na ipambabayad nila sa abogadong dedepensa sa kanila sa Dacera case.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Claire Dela Fuente, ina ng isa rin sa mga akusado na si Gregorio De Guzman, ayaw niyang sabihin ang eksaktong bilang ng natanggap na donasyong umabot na sa daang libo. Subalit nagulat umano sila sa tulong na ipinaabot ng publiko maliit man ito o malaki.
"Nakakagulat, ang dami nang nagbigay, pati na mga ordinaryong tao na magsasabi na ‘pasensya na kayo, bente pesos lang ang mabibigay ko muna," kwento ni Dela Fuente.
“Ang importante 'yung tiwala nilang binigay, big donor or not.Kahit na may nagbigay na maliit na halaga, okay lang, malaking bagay na yon," dagdag pa niya.
Nabanggit din umano ni Dela Fuente na may ilang kilalang personalidad na sumuporta sa donation drive na ito ng grupo nina Rosales.
Bagaman at may kakayanan sina Dela Fuente na magkaroon ng sariling abogado, tumutulong naman sila sa mga kasama ng kanyang anak.
“Ang anak ko, kaya niya ang costs ng legal defense pero itong mga batang ito, wala namang masyadong kaya sa buhay for a long and costly legal defense, kailangan pa nilang mag-donation drive,” paliwanag pa ng veteran singer.
Sa ulat ng Inquirer, ang tweet ni Rosales ukol sa donation drive ay umabot na sa 6,600 retweets at 20,000 na likes mula nang mai-post ito noong Enero 9.
Samantala, umaga ng Enero 10 nang maihatid na sa huling hantungan ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera ayon sa GMA News.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay si Dacera na nagdiwang ng Bagong Taon kasama ang kanyang mga kaibigan sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.
Agad na inaresto ang tatlong nakasama ni Christine subalit pinalaya rin dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Hindi pa muling nagpapaunlak ng interview ang pamilya lalo na ang ina ni Dacera ngunit hiling pa rin nito na mabigyan ng hustisya ang biglaang pagpanaw ng kanyang anak.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh