Close friend ni Dacera, nalulungkot sa nababasang negatibong komento sa kaibigan
- Naglabas ng saloobin ang sinasabing malapit na kaibigan ni Christine Dacera na si Danna Rose Socaoco
- Ikinuwento rin nito ang naging huling usapan nila ni Christine noong 12:45 ng umaga ng Enero 1
- Nasasaktan daw umano si Danna sa mga ibinabatong negatibong komento sa kanyang yumaong kaibigan
- Hindi raw kasi ganoon ang kanyang pagkakakilala kay Christine na para sa kanya ay masayahin, pala-kaibigan at ma-kwento
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagpaunlak ng panayam si Danna Rose Socaoco, ang malapit ding kaibigan ng yumaong flight attendant na si Christine Dacera.
Nalaman ng KAMI na nakausap pa ni Danna si Christine noong Bagong Taon at nabanggit pa nito kung sino-sino ang mga kasama niyang nagdiwang.
"Sinong mga kasama mo, ganun, sabi niya mga friends daw niya na bakla tas' sabi ng boyfriend ko baka mapano ka diyan, tas' sabi niya, negats day, mas mga babae pa to' sakin, hahahaha..." ang pagdedetalye ni Danna ng naging usapan nila ni Christine.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon pa kay Danna, bandang 12:45 ng umaga ng Enero 1 nang matapos ang kanyang usapan ni Christine.
Nakasama umano ni Danna si Christine sa training nila sa Philippine Airlines (PAL) Express. Sadyang masayahin, pala-kaibigan at makwento si Christine na taliwas sa mga nasasabi ng netizens base lamang sa mga larawan at video na inilalabas ukol sa pumanaw na flight attendant.
"Yung mga naririnig ko na negativities sa social media medyo nasasaktan ako kasi hindi ganoon yung pagkakakilala ko sa kanya," paliwanag ni Danna.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Danna ng Unang Balita GMA News:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kontrobersyal ngayon ang pagkamatay ng 23-anyos na si Christine Dacera na natagpuan wala nang buhay sa isang hotel sa Makati City noong Enero 1.
Nadakip pa umano ang tatlong itinuring na mga suspek sa kanyang pagkamatay na kalauna'y pinalaya rin dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Maging si Raffy Tulfo ay tumututok na rin sa kasong ito upang mas mapabilis ang pag-aksyon lalo na kung mapatunayang hinalay bago pinatay si Christine na hindi pa rin napatutunayan magpasa-hanggang ngayon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh