Raffy Tulfo, iminungkahi ang lie detector at drug test sa mga nakasama ni Christine Dacera

Raffy Tulfo, iminungkahi ang lie detector at drug test sa mga nakasama ni Christine Dacera

-Nakapanayam ni Raffy Tulfo ang matalik na kaibigan ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera na si Rommel Galido

- Ipina-detalye ni Tulfo ang ilang mahahalagang kaganapan na nangyari bago umano makita ng grupo na wala nang buhay ang flight attendant

- Doon kinumpirma ni Rommel na siya umano ang sinabihan ni Christine na tila may inilagay sa kanyang inumin ang isa nilang kasama

- Nakumbinsi rin umano ni Tulfo na boluntaryong magpa-lie detector at drug test sina Rommel at ang iba pang mga nakasama ni Christine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaunlak ng interview si Rommel Galido, ang matalik na kaibigan ni Christine Dacera patungkol sa pagkamatay ng naturang flight attendant.

Nalaman ng KAMI na mismong si Raffy Tulfo sa 'Wanted sa Radyo' ang nagtanong kay Rommel ng mga mahahalagang detalye sa mga naganap bago nila makitang wala nang buhay ang kaibigan.

Read also

Close friend ni Dacera, nalulungkot sa nababasang negatibong komento sa kaibigan

Tulad ni Gregorio De Guzman, isa rin sa mga kasama nina Christine na una nang nakapanayam ni Tulfo, umamin din si Rommel na siya umano ay isang bakla.

Raffy Tulfo, iminungkahi ang lie detector at drug test sa mga nakasama ni Christine Dacera
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Idinetalye rin ni Rommel ang mga kaganapan na nakunan ng CCTV na isinapubliko na bagaman at hindi pa buo.

Dahil umano sa mungkahi ng ilang netizens, tinanong ni Tulfo kung nais ba ng mga nakasama ni Christine na magpa-lie detector at drug test.

Nilinaw ni Tulfo na ito ay boluntaryo at suhestyon ito ng marami na baka umano gumagamit ang mga ito ng isang uri ng ipinagbabawal na gamot nang gabing iyon.

Sumagot naman si Rommel ng "oo" subalit may bahagi ng panayaaam na nabanggit nitong tatanungin umano nila ang kanilang mga abogado ukol dito.

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel.

Read also

Raffy Tulfo, nagbigay ng update sa kaso laban kay Jonel Nuezca

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Isa si Raffy Tulfo sa mga tumututok na ngayon sa kaso ni Christine Dacera. Binigyan niya ng pagkakataon sa kanyang programa na magsalita ang ilang mga akusado kabilang na ang anak ng veteran singer na si Claire Dela Fuente.

Bukod dito, isa pa rin sa mga tinututukan ni Tulfo upang agad na makamit ang hustisya ay ang kaso naman ni Jonel Nuezca, ang pulis na nakapaslang sa kapitbahay niyang mag-ina na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica