Dacera family, emosyonal sa pagdating ng labi ni Christine sa General Santos

Dacera family, emosyonal sa pagdating ng labi ni Christine sa General Santos

- Ang mga labi ni Christine Angelica Dacera ay dumating na sa General Santos Airport

- Sa video na kinuhanan sa airport, makikitang umiiyak at nagyayakapan ang ilang family members ni Dacera

- Hindi na rin muna sila magbibigay ngayon ng bagong pahayag ukol sa kaso ng namayapang flight attendant

- Kahapon din ay pinakawalan na ang tatlo sa suspects sa nangyari kay Dacera dahil nga insufficient pa sa ngayon ang ebidensya laban sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumating na ang mga labi ni Christine Angelica Dacera sa General Santos Airport, ayon sa video report ng News5.

Makikita sa video na kinuhanan sa airport na umiiyak at nagyayakapan ang ilang family members ni Dacera.

Dacera family, emosyonal sa pag-dating ng labi ni Christine sa General Santos

Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Ayon sa pamilya ng namayapang flight attendant, hindi muna sila magbibigay ng bagong pahayag ukol sa kaso.

Ito ay matapos pinakawalan na ang tatlo sa suspects sa nangyari kay Dacera dahil nga insufficient pa sa ngayon ang ebidensya laban sa kanila.

Forensic expert: huli na para mag-swab upang patunayang ginahasa si Dacera

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang emosyonal na video mula sa News5:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galido, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galido na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galido at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Please always like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel