Forensic expert: too late to swab to establish evidence of rape in Dacera case

Forensic expert: too late to swab to establish evidence of rape in Dacera case

- Si Raquel Fortun, isang forensic expert, ay nag-salita ukol sa Christine Angelica Dacera case

- Sinabi ni Fortun na huli na ang lahat para mag-swab at mag-sample para patunayan ng pulis na ginahasa nga si Dacera

- Limang araw na kasi ang nakalipas nang mamatay si Dacera at na-embalsamo na rin ang katawan niya

- Pinakawalan na nga sila John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili dahil sa insufficient pa ang evidence of rape sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang forensic expert na si Raquel Fortun ay kinausap ng Rappler ukol sa Christine Angelica Dacera case.

Forensic expert: too late to swab to establish evidence of rape in Dacera case
Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Ayon kay Fortun, huli na ang lahat para mag-swab at mag-sample para patunayan ng pulis na ginahasa nga si Dacera ng mga lalakeng kasama niya.

Ito ay dahil limang araw na ang nakalipas nang mamatay si Dacera at na embalsa na rin ang katawan niya.

Read also

Tatlong suspek sa Christine Dacera case, kailangang pakawalan na

"Well swabbing, sampling, for anything, it's too late. It's too late because by this time, the body has been washed, cleaned, and it's been 5 days," sinabi ni Fortun.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa report ng GMA News, pakakawalan na sila John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili dahil sa insufficient pa ang evidence of rape sa ngayon at habang isinasasailalim pa sa preliminary investigation ang kaso.

Ito ay matapos sampahan ng PNP ng kaso ang 11 na kasama ni Dacera sa party dahil diumano’y pinag-droga at ginahasa nila ang flight attendant. Ang mga paratang naman na ito ay itinatanggi ng mga suspek, ayon sa report ng ABS-CBN News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Raffy Tulfo sa Christine Dacera case: "It's not over until it's over"

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galido, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galido na nagising siya ng 10a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galido at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel