Tatlong suspek sa Christine Dacera case, kailangang pakawalan na
- Ang Makati City Prosecutor's Office ay nag-utos na pakawalan ang tatlong suspek sa kaso ni Christine Angelica Dacera
- Pakakawalan sila John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili habang isinasasailalim sa preliminary investigation ang kaso
- Ang preliminary investigation ay isinasagawa upang malaman kung may sapat nga bang ebidensya para sampahan ng kaso ang 11 na suspek
- Ang mga paratang na pinag-droga at ginahasa nila si Dacera ay itinatanggi ng mga suspek
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Iniutos na ng Makati City Prosecutor's Office na pakawalan ang tatlong suspek sa kaso ni Christine Angelica Dacera, ang flight attendant ng Philippine Airlines na pumanaw noong Enero 1.
Ayon sa report ng GMA News, pakakawalan sila John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili habang isinasasailalim sa preliminary investigation ang kaso.
Gagawin ang preliminary investigation upang malaman kung may sapat nga bang ebidensya para sampahan ng kaso ang 11 na suspek sa kaso ni Dacera.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ito ay matapos sampahan ng PNP ng kaso ang 11 na kasama ni Dacera sa party dahil diumano’y pinag-droga at ginahasa nila ang flight attendant. Ang mga paratang naman na ito ay itinatanggi ng mga suspek, ayon sa report ng ABS-CBN News.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galido, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.
Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galido na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.
Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galido at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.
Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh