Atong Ang, nilinaw ang tunay niyang kaugnayan kina Nicole, Gretchen at Claudine Barretto

Atong Ang, nilinaw ang tunay niyang kaugnayan kina Nicole, Gretchen at Claudine Barretto

- Nagsalita na sa wakas ang negosyanteng si Atong Ang matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa hidwaang namamagitan sa mga Barretto

- Nilinaw niya ang diumano'y relasyon niya sa mga Barretto matapos ang kontrobersiyal na pahayag ni Nicole Barretto

- Pinabulaanan din niya ang tsismis na may namagitan sa kanila ng magkapatid na Barretto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na sa wakas ang negosyanteng si Atong Ang matapos madawit ang kanyang pangalan sa gulo ng mga Barretto.

Nauna nang inakusahan ni Nicole Barretto ang tiyahing si Gretchen na nang-agaw kay Ang mula sa kanya.

Sinagot din ito ni Gretchen at sinabing si Nicole ang nang-agaw kay Ang mula kay Claudine.

Sa isang panayam sa ABS-CBN News, nilinaw ng negosyante ang kanyang kaugnayan sa bawat isa sa kanila.

Ayon kay Ang, nagtrabaho para sa kanya sina Nicole at ang ina nito. Business partner naman daw niya si Gretchen at minsan lamang niyang natulungan si Claudine sa kanyang personal issues.

"Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

"Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

"Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro --'yun lang ang naging relasyon namin.

Dagdag pa nito, pinag-aral niya si Nicole at malapit sa asawa niya si Gretchen.

"Si Nicole, pinagaral ko 'yan, ang nagtrabaho sa akin 'yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko."

Sa naunang ulat, sinupalpal ni Gretchen ang pamangking si Nicole matapos niyang magbahagi ng kanyang bersiyon ng nangyaring gulo sa lamay.

Marami ang nag-aabang sa kahihinatnan ng bangayan ng magkakapatid na sina Marjorie, Gretchen at Claudine. Kilala ang mga Barretto sa mundo ng showbiz dahil sa husay nila sa pag-arte at angking kagandahan. Si Claudine Barretto ay minsan ding naging isa sa pinakahinahangaan na leading lady ng soap opera sa Kapamilya network.

POPULAR: Read more about the Barretos here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Social Media Going Nuts Over Nadine's Dad's Post | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us find out the truth!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel