Pacquiao, apektado sa pagpanaw ni Dacera lalo na’t kakilala ang pamilya nito

Pacquiao, apektado sa pagpanaw ni Dacera lalo na’t kakilala ang pamilya nito

- Si Senator Manny Pacquiao ay nag-react sa pagpanaw ni Christine Angelica Dacera

- Sobrang apektado siya sa kasong ito lalo na’t kakilala pala niya ang Dacera family

- Kalaro daw niya sa basketball sa General Santos City ang mga kamag-anak nito

- Magbibigay din siya ng P500,000 na bounty sa makakahanap sa mga suspek sa umano’y krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pati si Senator Manny Pacquiao ay nagbigay ng pahayag ukol sa pagpanaw ni Christine Angelica Dacera.

Si Dacera ang Philippine Airlines flight attendant na diumano’y pinatay at ginahasa ng mga kasamang lalake sa New Year party nila sa isang hotel room sa Poblacion, Makati City.

Pacquiao, apektado sa pag-panaw ni Dacera lalo na’t kakilala ang pamilya nito
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Ayon sa interview ni Pacquiao sa radio station na DZRH, sobrang apektado siya sa kasong ito lalo na’t kakilala pala niya ang Dacera family dahil kalaro niya sa basketball sa General Santos City ang mga kamag-anak nito.

Read also

Panawagan ng pamilya ni Christine Dacera: "Please, umamin na kayo!"

"Kilala ko 'yang Dacera family. 'Yung mga kamag-anak nila kalaro ko palagi sa basketball," sinabi ni Pacquiao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dagdag pa ng senador, magbibigay siya ng P500,000 na bounty sa makakahanap sa mga suspek sa krimen na hindi pa sumusuko sa awtoridad.

"'Yung mga nakakita, may alam magsalita na. May reward akong P500,000 doon sa makakahuli sa mga gumawa.
"Gagawin ko lahat ng aking makakaya para maparusahan ang mga pumatay sa kaniya," paliwanag ni Pacquiao.

Narito ang interview ni Pacquiao sa DZRH:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Read also

Ina ng pumanaw na PAL flight attendant, nag-tiwala sa colleagues ng anak nya

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galida na nagising siya ng bandang 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galida at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma si Dacera at maaaring pinag-droga raw ito at ginahasa pa ng mga kasama, base sa initial investigation. Sinampahan na ng kaso ang sampung kasama ni Dacera sa hotel.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel