6k pesos para sa senior citizen, paano makukuha?

6k pesos para sa senior citizen, paano makukuha?

- Noong unang taon, ibinalita na ang DSWD daw ay magbibigay ng 500 pesos na buwanang pensiyon o -6,000 pesos na taunang pensiyon sa mga senior citizens sa Pilipinas

- Ayon sa ‘Top 10 Blog Site,’ ang programang ‘Social Pension Program for Indigent Senior Citizens o SPISC ay mayroong kabuuan na funds na 17.9 billion pesos.

- Gayunpaman, maraming senior citizens ang hindi alam o walang mahusay na kaalaman kung sino ang dapat na makakatanggap nito at paano ito makukuha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kaya ngayon dito sa KAMI ay aming inilista at sinulat ang importanteng detalye tungkol sa sino ang tatanggap ng taunang pensiyon at kung paano ito makukuha.

Samakatuwid, dapat nating alamin kung sino ang may karapatan na tumanggap ng 6,000 pesos na taunang pensiyon.

Sino nga ba ang may karapatan para kumuha ng taunang pensiyon na 6,000 pesos mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD?

1. Upang maging isa sa mga karapat-dapat na pensiyonado, ang isang Filipino ay dapat edad 60 taong gulang o higit pa, at hindi tumatanggap na kahit ano mang pensiyon galing sa gobyerno o kahit anong personal institusyon.

2. Ang senior citizen ay hindi dapat magkaroon ng mahusay o malakas na kita at hindi tumatanggap ng anumang uri ng tulong mula sa mga kamag-anak

3. Ang mga senior citizens na tumatanggap ng pensiyon galing sa SSS o Social Security System at sa GSIS o Government Service Insurance System ay hindi rin karapat-dapat na makakuha.

Ayon sa DSWD, ito yung mga Filipino na nasa "very hard circumstances," napakahirap na mga pangyayari o sitwasyon.

Ito daw ay ating mga senior citizen na hindi lang matanda na, may karamdaman pa o kapansanan, walang hanapbuhay, walang maykayang kamag-anak na tumutulong at walang ibang pensyong natatanggap.

Ano ang mga kailangan para makakuha ng taunang pensiyon na 6,000 para sa mga Senior Citizens?

Para daw makuha ang iyong 6,000 pesos na taunang pensiyon ay dapat na pumunta sa City Social Welfare at Development Office o CSWDO o ‘Office of the Senior Citizens Affair o OSCA,' at magpakita ng mga kinakailangan o requirements.

Ano ang mga kinakailangan para makakuha?

1. Senior Citizens ID

2. Certificate of Indigence

Isang ‘Certificate of Indigence’ na galing sa CSWDO, na irereleased sa pagsusumite ng Barangay Certificate of Residency and Assessment Report galing sa CSWDO field office

At sa lahat naman na mga Senior Citizens na mga Pinoy na wala pang ‘Senior Citizens ID’ card, nasa baba ang kailangan ninyong gawin at isumite.

Paano makakakuha ng Senior Citizens ID card?

Para makakakuha ng Senior Citizens ID card ay dapat ay nakarehistro ka sa pamamagitan ng pagpasa sa mga requirements o mga kailangang bagay na nasa babang listahan.

Anu-ano ang mga kailangan para makaparehistro at makakuhang Senior Citizens ID card?

1. Birth certificate

2. Isang valid ID

3. Isang 1x1 photo

Pagnakarehistro na kayo, ang mga social workers ay tasahin ang inyong kaso at ipapadala ito sa DSWD regional office para ma validate o patunayang may karapatan kayong kumuha ng taunang pensiyon.

Once na navalidate at nakita na isa ka nga sa may karapatan para makatanggap ng taunang pensiyon ay ipapaalam ito sa inyo ng DSWD kung kalian at kung paano ninyo makukuha ito.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin