Viral customer na nakaalitan ng lolong rider, napahagulgol kay Tulfo

Viral customer na nakaalitan ng lolong rider, napahagulgol kay Tulfo

- Napahagulgol sa programa ni Raffy Tulfo ang viral na customer na nakaalitan ng isang 71-anyos na delivery rider

- Dito na nga humantong ang mainit na sagutan sa pagitan ng dalawa matapos mabilis na nag-viral ang video ng mga ito

- Maraming netizens ang hindi natuwa nang mapanood ang video kung saan maririnig ang pagmumura at pagbabanta ng customer sa matandang rider

- Humingi naman ng tawad ang customer sa rider matapos mapagtanto ang pagkakamali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napahagulgol na lang ang lalaking si Jhonmike Pascual sa programa ni Raffy Tulfo matapos itong mareklamo dahil sa kumalat nitong video na ito raw mismo ang nag-upload.

Sa nasabing viral video, mapapanood ang mainit na sagutan ni Pascual at ng delivery rider na si Reynaldo Mena, 71-anyos, na naganap noong January 4, 2021.

Read also

Mga akusado sa Christine Dacera case, emosyonal sa interview sa kanila ni Boy Abunda

Sa video maririnig na ilang beses sinabi ni Pascual na nagalit ito sa "paninigaw" umano ni Mena sa kanya. Nasabi rin nito na natutulog ito nang mga oras na nag-deliver si Mena.

Viral customer na nakaalitan ng lolong rider, napahagulgol kay Tulfo
Photo: Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit sa panayam sa dalawa, napag-alaman ng KAMI na hindi nagkaintindihan ang dalawa na humantong nga sa matinding gulo.

Sa video maririnig din ang ilang beses na pagmumura ni Pascual sa matandang rider at ang pagbabanta nito na lingid pala sa kaalaman ni Mena noon.

Ayon kay Mena, hindi niya inakala na muntik na pala siyang mapahamak nang mga oras na iyon.

Ngunit ayon kay Pascual, nadala lamang siya ng emosyon at agad naman daw tumawag kay Mena para humingi ng paumanhin.

Ilang ulit din itong humingi ng tawad kay Mena nang magkaharap sila sa programa ni Tulfo. Inilahad din nito na labis na silang naapektuhan dahil sa pangyayari.

Read also

Mga tao sa Room 2207 sa Christine Dacera case, sumipot na sa NBI

Si Mena naman ay sinabing pag-iisipan muna ang kanyang desisyon at ikokonsulta ito sa kanyang pamilya dahil natatakot din sila sa kanilang kaligtasan lalo pa at napanood daw nila ang video kung saan muntik na siyang mapahamak.

Para naman kay idol Raffy, hindi na raw dapat na humantong ang insidente sa korte dahil wala naman daw nasaktan at inamin na rin daw ni Pascual na siya ay nagkamali.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang lalaking hindi nakakabasa ang napagtripan ng ilan at nag-viral kung saan maraming netizens ang nag-tag din kay Tulfo.

Read also

Ikakasal na guro nagawa pang mag-reply sa text ng kanyang estudyante, viral

Sa isa pang report ng KAMI, isang delivery rider ang naiyak na lang matapos mabiktima at masimot ang lahat ng pera nang mabiktima ng fake order.

Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel