Lalaking 'di nakakabasa, pinagtripan ng ilan; netizens, tinag si Tulfo

Lalaking 'di nakakabasa, pinagtripan ng ilan; netizens, tinag si Tulfo

- Hindi matanggap ng isang netizen ang ginawa ng ilan sa kanyang tiyuhin na nag-viral na nga sa social media

- Pinagkatuwaan kasi ng mga ito ang kanyang tiyuhin na hindi marunong magbasa ayon sa pamangkin nito

- Ayon dito ay pinagtripan ang kanyang tiyuhin na binigyan ng mga ito ng quarantine pass na may kakatwang nilalaman

- Maraming netizens ang tinag pa ang programa ng batikang mamamahayag at tinaguriang "King of Public Service" na si Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalagpas ng isang netizen ang ginawa ng ilan sa kanyang tiyuhin na mabilis na nag-viral sa social media at umani ng pambabatikos mula sa mga netizens.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Maricar Cruz Sevilla, pinagtripan ng ilan ang kanyang tiyuhin na binigyan ng mga ito ng quarantine pass na may kakatwang nilalaman.

9-anyos na batang lalaki, matiyagang naglalako ng merienda para sa pamilya
Lalaking 'di nakakabasa, pinagtripan ng ilan; netizens, tinag si Tulfo

Screen grab from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Ngunit dahil hindi marunong magbasa ang lalaki ay hindi nito nagawang magreklamo laban sa mga gumawa nito sa kanya na hindi na pinangalanan pa ng uploader.

"Sobrang daming taong mapagsamantala ngayon. Porket hindi nakakabasa yung tao ganto bibigay nyong qurantine pass. Kundi ko pa tinignan quarantine pass na sinasabi nya di ko pa malalaman na pinagtripan nyo lang pala yung tito ko.

"Alam nyo na hindi nakakabasa at hindi nya alam na nilalait nyo na sya sa quarantine pass na ginawa nyo sa kanya. Nasan po yung puso nyo?

"Sinamantala nyo yung tao. Nakakapag init ng ulo. If you have the knowledge then use it for educating and helping not for degrading and humiliating," ani Sevilla.

Maging ang mga netizens ay hindi napigilan ang mag-react sa pangyayaring ito sa gitna pa man din ng pandemyang hinaharap ng bansa.

Marami sa kanila ay tinag pa ang programa ng batikang mamamahayag at tinaguriang "King of Public Service" na si Raffy Tulfo.

Good vibes! Lalaki, viral dahil sa kanyang agaw-pansing face mask

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW lumapit kay idol matapos niyang madiskubre ang panlalalaki ng kanyang misis na nagkaroon ng dalawang kabit!

Samantala, pumanaw na ang OFW na nagpasaklolo kay idol Raffy para siya ay makauwi na sa bansa matapos magdusa dahil sa kanyang malubhang sakit.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel