8-anyos, di sinasadyang umabot sa P100K ang nagastos sa mobile games
- Nagulat ang isang mag-asawa sa Davao City matapos matuklasan na umabot sa P100,000 ang nagastos ng kanilang anak sa mobile games at app
- Sa isang Facebook post na may libo-libo nang shares, ibinahagi ni misis kung paano ito nangyari
- Inamin din ng ginang na kinailangan nilang disiplinahin ang anak ngunit matapos nito ay maigi nila itong kinausap
- Sinabi rin nito na kasalukuyan nilang hinihintay ang refund para rito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Labis na ikinabigla ng isang mag-asawa sa Davao City nang matuklasang umabot sa P100,000 ang nagastos ng kanilang anak sa mobile games at app.
At ang malaking halagang ito ay nabawas sa kanilang bank account nang hindi nila nalalaman.
Sa isang Facebook post na may libo-libo nang shares, ibinahagi ni mommy Julmar Grace Locsin ang pangyayari.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Aniya, nadiskubre niya ang pangyayari nang i-track niya ang bank statements ng kanilang finance team.
Kwento pa ni mommy Julmar, ipinahiram nila ang lumang cellphone ng mister sa anak na si Tice, 8-anyos, noong Pasko, na siyang may access sa Google Play.
"Hubby's account is connected with Google Play because we sometimes rent good movies on YouTube. Hubby's old phone with the Google Play app was handed to Tice last Christmas. We allow them Super Book times, Messenger Kids with cousins and friends and War Robots."
Inamin ng ginang na kinailangan nilang disiplinahin ang anak ngunit matapos nito ay kinausap nilang mag-asawa si Tice at ipinaliwanag ang nagawa nitong pagkakamali.
Nang tanungin nila ito kung bakit ito nag-download ng ibang games, sinabi nitong ang lumang version daw ng nilalaro nito ay "too easy" na para rito at inakalang libre ang lahat ng app.
"He got some spanking because he downloaded more games without asking permission. When asked after, he reasoned that the old games were too easy for him and he thought all the downloads were free. He cried a lot after we talked about it and forgave him. He was very sorry (and was too cute with those irresistible eyes). We explained that they are worth MORE THAN all the money in the world but following rules is also a good life skill to abide."
Ayon kay mommy Julmar, kasalukuyan silang naghihintay ng refund.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isa namang 3-anyos sa Bohol ang umorder online na nagkakahalaga ng P4,000 nang hindi rin nalalaman ng kanyang mga magulang.
Isang delivery rider naman ang umantig sa damdamin ng mga netizens matapos itong maiyak nang mabiktima ng fake order.
Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!
Source: KAMI.com.gh