Lolo na delivery rider, pinatawad ang customer na muntik siyang saktan

Lolo na delivery rider, pinatawad ang customer na muntik siyang saktan

- Pinatawad na lamang ng 72-anyos na lolo na isang delivery rider ang customer niyang pinagmumura siya

- Ang masaklap sa nangyari, muntik pa pala siyang masaktan ng galit na galit na customer

- Sa unang bahagi ng panayam ni Tulfo sa rider, napahagulhol sa pagmamakaawa ang customer na inamin ang kanyang pagkakamali

- Mag-aayos ang dalawa sa barangay upang tuluyan nang tuldukan ang naging alitan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakuhang patawarin na lamang ng 71-anyos na delivery rider na si Reynaldo Mena ang customer niyang si Jhonmike Pascual ng Valenzuela City.

Nalaman ng KAMI na sila ang nasa viral video na nagawa pa umanong mai-post ni Jhonmike na tila nagsilbing ebidensya pa kung paano niyang sinigawan at pinagmumura ang matandang rider.

Paliwanag ni Jhonmike sa unang panayam sa kanya ni Raffy Tulfo sa programa nitong 'Wanted sa Radyo', tila naalimpungatan daw siya sa tawag ng rider at inakala niyang sumisigaw pa umano ito.

Read also

Groom na tinakasan ang bride, napahagulhol sa pagmamakaawa na 'di siya makasuhan

Nag-viral na lolong delivery rider, pinatawad ang customer na muntik siyang saktan
Photo: Raffy Tulfo in Action (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sa una'y hindi na sana palalampasin ni Reynaldo ang nagawa ng customer na bukod sa pagmumura ay nakaamba pa itong saktan siya.

Subalit binigyan sila ng araw ni Tulfo upang pag-isipan muna ang mga hakbang kung itutuloy pa ang reklamo lalo na at muntik nang mapahamak ang lolo na rider.

Sa muling panayam sa kanila ni Tulfo, napagdesisyunan ni Reynaldo at kanyang pamilya na patawarin na lamang ang customer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Muling humingi ng tawad si Jhonmike sa rider at aminado naman siyang mali ang kanyang nagawa.

Napagkasundo ni Tulfo ang dalawa na maghaharap sa barangay hall ng kanilang lugar upang matuldukan na ang naging alitan.

Nakiusap din ang customer sa mga netizens na tigilan na rin umano ang pagbabanta at pagba-bash sa kanya lalo na at napatawad naman na siya ng taong nagawan niya ng pagkakamali.

Read also

Misis ng napagkamalang magnanakaw at nabaril umano ng pulis, idinetalye ang pangyayari

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Isa rin sa mga natulungang driver ni Tulfo ang nag-viral nitong nakaraang taon na si Mary Florence Norial. Nagbagsak pa umano ng malaking halaga ng pera si Tulfo sa pagproseso ng pagsasampa ng kaso ng lady Grab driver na ito na pinakulong ng nakaalitang pulis dahil sa parking.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica