Viral lady Grab driver, nakalaya na; idinetalye ang buong pangyayari

Viral lady Grab driver, nakalaya na; idinetalye ang buong pangyayari

- Nakalaya na ang lady Grab driver na si Mary Florence Norial matapos ang halos isang linggong pagkakakulong

- Humingi ng saklolo sa programa ni Raffy Tulfo ang kapatid ng lady driver upang maaksyunan ang nangyari sa kapatid

- Ngayong araw, Oktubre 13, nakapanayam mismo ni Tulfo si Mary Florence at idinetalye ang mga pangyayari

- Desidido rin siyang kasuhan ang pulis sa dahil hindi raw talaga makatarungan ang ginawa nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral lady Grab driver, nakalaya na; idinetalye ang buong pangyayari

Mary Florence Norial (Photo from Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Ngayong araw, Oktubre 13 ay tuluyan nang nakalaya ang nag-viral na lady Grab driver na si Mary Florence Norial matapos ang halos limang araw na pagkakakulong.

Nalaman ng KAMI na tumulong si Raffy Tulfo sa pagbibigay aksyon sa sinapit ni Mary Florence sa nakaalitang pulis na si Police Captain Ronald Saquilayan.

Sa programang 'Wanted sa Radyo', inihayag ni Tulfo ang kanyang pagsuporta kay Mary Florence sa panayam nito sa kanya.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Sinabi nitong magbibigay siya ng isang milyong piso sa Grab driver kung itutuloy nito ang kaso laban sa pulis.

Sumang-ayon naman si Mary Florence at maluha-luhang nagpasalamat kay Tulfo.

Bago pa maipaliwanag ni Atty. Garreth Tungol ang mga kasong maaring isampa sa pulis, ipinakwento ni Tulfo ang buong pangyayari base sa mismo kay Mary Florence.

Matatandaang sa part 1 kasi ng episode na ito, nakapanayam ng Wanted sa Radyo ang si P/Capt. Saquilayan at sinabing kaya nagawa niyang arestuhin si Mary Florence ay dahil hindi na raw maganda ang pakikipag-usap nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagtamo pa raw ng ilang gasgas ang sasakyan ng pulis dahil daw sa Lady Grab driver na lumapit sa kanya at pinaalis ang kanyang kotse upang sila ng kanyang pasahero ay makadaan.

Mariing pinabulaanan naman ito ngayon ni Mary Florence at sinabing maayos siyang nakiusap sa pulis sa kagustuhang makaalis na at maihatid na ang naghihintay na pasahero.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Subalit nagmatigas umano si Saquilayan. Doon na humingi ng tulong si Mary Florence sa guwardiya ng coffee shop. Subalit ang guwardiya, tila pumanig sa pulis at sinabing para nga sa mga customer ang "drive way" kung saan nakaparada ang sasakyan ng pulis.

Dahil sa tumatagal na ang diskusyon, lumabas na rin ang manager ng coffee shop at tumulong naman ito kay Mary Florence na makiusap kay Saquilayan na ialis pansamantala ang sasakyan nito para makadaan si Mary Florence.

Sa kasamaang palad, nagmatigas pa raw ito at pinagsarhan pa sila ng bintana ng sasakyan.

Doon kinatok na raw nina Mary Florence at manager ng coffee shop si Saquilayan. Nang aminadong napalakas ang katok, saka binuksan ng pulis ang pinto ng sasakyan ng malakas, dahilan para raw matumba ang lady driver.

Doon, naging mainit na ang kaganapan dahil bilang depensa umano sa sarili, nasampal ni Mary Florence ang pulis.

Ito ang dahilan kung bakit "inaresto" siya at pansamantalang ikinulong sa coffee shop habang hinihintay ang nasa 10 back-up na pulis ng Taguig.

Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid

Umabot ng limang araw ang pagkakakulong ni Mary Florence na noon ay hindi pa siya pinahintulutang magpiyansa.

Ngayong nakalaya na siya at sinuportahan pa siya ni Tulfo, desidido at buo ang loob niyang kasuhan si P/Capt. Saquilayan upang maturuan daw umano ito ng leksyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

Kasalukuyan nang nasa part 5 ang episode na ito ng programang 'Wanted sa Radyo' patungkol sa viral video ng lady driver at ng pulis.

Sa mga unang episodes, Ipinakita sa CCTV ang bawat pangyayari na tumutugma di umano sa kabibigay lamang na salaysay ni Mary Florence.

Umaasa ang publiko na makakamit ng lady driver ang hustisya lalo na at kilala ang batikang news anchor na si Raffy Tulfo sa mabilisang aksyon nito sa mga sumbong ng mga mamamayang Pilipino na nagpapasaklolo sa kanyang programa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel