Groom na tinakasan ang bride, napahagulhol sa pagmamakaawa na 'di siya makasuhan

Groom na tinakasan ang bride, napahagulhol sa pagmamakaawa na 'di siya makasuhan

- Nagharap na ang groom at ang kanyang bride na nagawa umano niyang takasan isang araw bago ang kanilang pag-iisang dibdib

- Nagpaalam lamang umano itong maliligo, ngunit hindi na ito bumalik dahilan para di matuloy ang kanilang kasal

- Inireklamo ng bride ang groom at humingi ito ng tulong kay Tulfo upang makasuhan lalo na at marami raw itong nabigay sa lalaki at pamilya nito

- Napahagulhol at napaluhod pa sa pagmamakaawa ang lalaki sa kanyang bride, huwag lamang siya nitong kasuhan na wala pa umanong piyansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binalikan ni Raffy Tulfo ang bride na si Eleonor "Rona" Alay, na inireklamo ang kanyang groom na si Crisencio "Jun Jun" Milana.

Nalaman ng KAMI na binigyan umano ni Tulfo ng oras si Rona kung itutuloy nga ba nito ang kasong isasampa sa groom na nagawa siyang takasan, isang araw ang kanilang kasal at lumalabas na pinerahan lamang niya ito at pati na rin ang kanyang pamilya.

Read also

Ina ng nasa viral video na dinukot umano ng mga pulis sa Baguio, isinalaysay ang nangyari

Kwento ni Rona, isang araw bago ang kasal ay magkasama na sila ni Jun Jun. Nagpaalam lamang daw ito na maliligo ngunit hindi na muling bumalik pa sa kanya.

Groom na tinakasan ang bride, napahagulhol sa pagmamakaawa na 'di siya makasuhan
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ayon sa groom, napilitan lamang umano siyang magpakasal kay Rona na isang OFW. Isang rason ay ang kanyang edad dahil 23 lamang siya habang ayon kay Rona ay 37 naman siya na pinagdududahan naman ni Jun Jun.

Boto naman umano ang pamilya ng lalaki sa OFW. Katunayan, nagagawa rin ni Rona na magpadala ng tulong sa mga ito kung sila man ay may pangangailangan.

Subalit, nagkaalaman ng katotohanan nang tumakas ang groom na marami na ring natanggap mula sa bride.

Nais na bawiin ng bride ang mga ito kabilang na ang mamahaling relo na sinabi ng groom na siyang pinambayad niya sa taxi noong siya ay tumakas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis

Ngayon, napaluhod habang humahagulhol sa pagmamakaawa si Jun Jun kay Rona.

Babayaran na lamang niya ang P400,000 na kabuuang naibigay sa kanya noon ni Rona.

Nasabi rin niyang pumapayag na siyang magpakasal huwag lamang ituloy ang kaso na tila wala pang piyansa.

Mapapansing naguluhan si Rona sa mga nabibitawang salita ni Jun Jun kaya naman binigyan pa muli sila ni Tulfo ng isa pang araw upang pag-isipan ang susunod na hakbang lalong-lalo na ni Rona na siyang magdedesisyon ng kahihinatnan ng kanilang sitwasyon ni Jun Jun.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube Channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Lalaking nanlimos pambili ng yosi, nanakit nang makulangan sa natanggap niya

Isa sa mga natulungan ni Tulfo ay ang reklamo ng isang lalaking nagagawang saktan ng kanyang kinakasama. Napa-DNA test ni Tulfo ang dalawa gayundin ang kanilang anak na susustentuhan ng lang ng lalaki dahil tuluyan na silang naghiwalay ng dating kinakasama.

Gayundin ang dialysis patient na kahit tuluyan nang iniwan ng kanyang mister ay nabigyang pag-asa pa rin ni Tulfo sa pangkabuhayang ibinigay niya rito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica