Dialysis patient na inagawan ng asawa ng kanyang nurse, natulungan ni Raffy Tulfo

Dialysis patient na inagawan ng asawa ng kanyang nurse, natulungan ni Raffy Tulfo

- Sa tulong ni Raffy Tulfo, pormal nang nasampahan ng kaso ang isang nurse na di umano'y nang-agaw ng asawa sa kanyang naging pasyente

- Masakit para sa misis ang nangyari lalo na at itinuring niyang kaibigan ang nurse na siyang sisira pala di umano sa kanyang pamilya

- Bagaman at natanggal na sa trabaho ang nurse at nasa ibang bansa na, tuloy pa rin ang kasong isinampa sa kanya ng dialysis patient

- Bukod sa pagproseso ng kaso, binigyan din ni Tulfo ng medical assistance ang pasyente na ngayo'y single mother na rin dahil tuluyan na silang iniwan ng kanyang mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magandang balita ang hatid ng staff ni Raffy Tulfo sa dialysis patient na si Rica De Vera dahil pormal nang nai-sumite ang kaso laban sa nurse na si Vera Mae Barrameda na di umano'y umagaw sa kanyang mister.

Read also

Pulis sa viral video, nagsisisi sa nagawang krimen ayon sa Police official

Matatandaang nitong Setyembre ay dumulog sa programa ni Tulfo na Wanted sa Radyo si Rica at inirereklamo ang nurse sa dialysis center na nakipag-relasyon di umano sa kanyang mister.

Nalaman ng KAMI na labis na masakit sa bahagi ni Rica dahil kinaibigan niya ang nurse na kalauna'y sumira sa kanyang pamilya.

Dialysis patient na inagawan ng asawa ng kanyang nurse, natulungan ni Raffy Tulfo
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Bagaman at nabigyang babala na siya ng ilang staff ng ospital kung saan siya nagpapa-dialysis, hindi siya agad naniwala hanggang sa nakumpirma nga niya ang relasyon umano ng mister at ni Vera Mae.

Ang malala pa sa nangyari, tuluyan na silang iniwan ng kanyang mister sa kabila ng kanyang sitwasyon kung saan siya ay nagpapagamot habang inaalagaan din ang tatlong anak.

Dahil dito, hindi nagdalawang-isip si Tulfo na bigyan ng medical assistance si Rica lalo na at tuloy-tuloy pa rin ang gamutan nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video

Binigyan din ni Tulfo ng negosyo si Rica na kayang-kaya niyang gawin kahit na nasa bahay lamang siya.

Labis na nagpapasalamat ang dialysis patient sa tulong na naibigay sa kanya ni Tulfo. Malaking bagay ito sa kanya lalo na at mag-isa na niyang tinataguyod ang kanyang mga anak.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang ama na nagpapagamot ng anak na mayroong stage 3 cancer.

Read also

RC Cola, gumawa muli ng ingay sa socmed dahil sa bago nilang advertisement

Gayundin ang nag-viral na basahan vendor na nabiyan niya ng pangkabuhayan upang hindi na ito mag-ikot para maglako dahil nagkaroon pala ito ng mild stroke.

Patunay lamang ito na marami sa ating mga kababayang dumaranas ng iba't ibang problema ay natutulungan ng kanilang 'Idol Raffy.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica