Batang may stage 3 cancer at tinamaan pa ng COVID-19, natulungan ni Raffy Tulfo

Batang may stage 3 cancer at tinamaan pa ng COVID-19, natulungan ni Raffy Tulfo

- Nagulat si Raffy Tulfo nang malamang ang batang tutulungan nila dahil sa mayroon itong stage 3 cancer ay tinamaan pa ng COVID-19

- Ang ama ng bata ay nanalo sa Idol in Action ng P100,000 ngunit dahil hindi ito nanonood ng programa na isa sa mga patakaran ng paligsahan, di nito nakuha ang premyo

- Ngunit umapela ang ama at sinabing matindi ang pangangailangan nila dahil sa sitwasyon ng anak kaya naman pinagbigyan sila sa tulong na rin ng mga staff ng 'Wanted sa Radyo'

- Maging ang co-host ni Tulfo na si Sharee Roman ay naluha habang binabasa ang apela ng ama kay Tulfo lalo na nang malamang nagkaroon pa ito ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aminadong naging emosyonal ang staff ni Raffy Tulfo sa programa nitong 'Wanted sa Radyo' matapos na matanggap nila ang apela ng isang ama na hindi nakuha ang napanalunan sana nito na P100,000 sa 'Idol in Action.'

Read also

Babae ni mister, walang takot kung magbitaw ng salita laban sa legal wife

Nalaman ng KAMI na kaya hindi nakuha ni Khalid Basirul ang perang napanalunan niya sana bilang tulong ni Tulfo ay dahil hindi siya nakatutok noon sa programa. Isa kasi ito sa mga patakaran na dapat ay nanonood ang mga nananalo.

Ngunit nang malaman ng staff at co-host ni Tulfo na si Sharee Roman ang kalagayan ng anak ni Khalid, inilapit muli nila ito sa kanilang 'Idol Raffy' upang matulungan.

Batang may stage 3 cancer na tinamaan din ng COVID-19, natulungan ni Raffy Tulfo
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Nabanggit kasi ni Khalid na mayroong stage 3 cancer na ang kanyang anak at nangangailangan ito ng agarang gamutan.

Dahil sa marami na ring nagmalasakit sa kanila, nakarating sila ng Maynila upang mas maayos na maipagamot ang kanyang anak.

Subalit nang makarating sa Maynila, napag-alaman nilang nagpositibo na rin sa COVID-19 ang baby. Kaya naman doble pasanin ang kanilang dinaranas ngayon dahil gaya nga ng sabi ni Tulfo, unang gagamutin na ngayon ng mga doktor ay ang virus na kumapit sa bata.

Read also

20-anyos na itinanggi ng ama, lumabas na tunay nga siyang anak nito base sa DNA test

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Labis na nagpapasalamat si Khalid gayundin ang misis nitong si Rhizmalyn Basirul kay Tulfo dahil sa dinoble pa nito ang P100,000 na tulong nito sa kanilang pamilya.

Nagpasalamat din ang mag-asawa kay Sharee na naging daan upang matulungan pa rin sila ng kanilang pamilya lalo na ang kanilang anak na may malubhang karamdaman.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Lolo na naglalako ng basahan sa viral video, natulungan ni Raffy Tulfo

Kamakailan ay natulungan din nito ang nag-viral na lolo na naglalako ng basahan kahit pa ito ay nagkaroon ng mild stroke.

Gayundin ang isang babae na nakumprimang tunay nga siyang anak ng ama na nahanap lamang niya sa social media. Pina-DNA test ni Tulfo ang dalawa at doon nalaman nilang mag-ama nga sila.

Patunay lamang ito na marami sa ating mga kababayang dumaranas ng iba't ibang problema ay natutulungan ng kanilang 'Idol Raffy.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel