Pulis sa viral video, nagsisisi sa nagawang krimen ayon sa Police official
- Kusang sumuko ang suspek sa Pangasinan at agad siyang nai-turnover sa Paniqui Police Station
- Double murder ang kaso na haharapin ng pulis sa viral video na si Jonel Nuezca
- Ayon sa chief of police sa Paniqui, inamin naman ng suspek ang nagawa at sising-sisi umano ito sa kanyang nagawa
- Paliwanag ng suspek, sinabunutan daw kasi ng isa pang kaanak ng biktima ang kanyang anak bago pa makasagutan ang babaeng biktima
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Aminado at sising-sisi ang pulis sa viral video na si Jonel Nuezca sa nagawa niyang pamamaslang sa nakaalitang mag-ina na sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.
Nalaman ng KAMI na nagawang umamin ng sumukong pulis sa imbestigador at kay Lt. Col. Noriel Rombaoa, ang chief of Paniqui Municipal Police Station ang kanyang pagsisisi sa krimen.
"Nakausap ko na po at aminado naman siya na nagawa nya yung pangyayaring iyon at sising-sisi siya sa nagawa niyang iyon," pahayag ni Rombaoa sa Radyo Inquirer.
Nagkainitan umano ang magkabilang panig dahil sa pagpapaputok ni Frank ng boga at naingayan ang pulis na lumabas ng kanilang bahay na armado na ng kanyang baril.
Kitang-kita sa viral video kung paano awatin ni Sonya ang anak na si Frank upang sana ay matigil na ang argumento.
Subalit nagka-ungkatan umano ang mga ito sa away nila noong nakaraang taon kaugnay sa usaping lupa at 'right of way' base sa ulat ng News5.
Sa salaysay pa ng suspek, isang kaanak ng mga biktima ang nagawang saktan umano ang kanyang anak na kasama niya sa insidente na hinahanapan pa umano ng ebidensya dahil hindi ito nakita sa kumalat na viral video.
“According to him sinabunutan daw ng matanda ‘yung anak niya pero wala naman kaming nakita doon, basta nagkasagutan lang sila," dagdag ni Rambaoa.
Ang nakita lamang sa viral video ay kung paano nagkasagutan ang matanda at anak ng suspek bago nito kitilin ang buhay ng mag-ina.
Nahaharap sa kasong double murder si Nuezca na kinumpirma na ni Rambaoa sa panayam sa kanya sa 'Idol in Action' ni Raffy Tulfo
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gumulantang sa bansa ang viral video ng aktwal na alitan na nauwi sa pamamslang sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Umani ito ng kabi-kabilang batikos lalo na sa pulis na siyang suspek sa pamamaslang.
Mas lalong uminit ang ulo ng marami nang malamang patong-patong na kaso na ang naihain noon kay Nuezca subalit karamihan sa mga ito ay 'dismissed' dahil umano sa kakulangan sa ebidensya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh