Pulis sa viral video, dati nang may patong-patong na kaso ayon sa Central Luzon police
- Nasa kamay na ng awtoridad ang pulis sa viral video na nagawang paslangin ang mag-inang nakaalitan sa Paniqui, Tarlac
- Lumalabas na patong-patong na noon ang kaso ng naturang pulis na naka-destino sa Parañaque at umuuwi lang sa tahanan nila sa Tarlac
- Inilabas na ang mugshot ng pulis na haharap sa kasong double murder
- Gumawa talaga ng ingay sa social media ang krimen dahil nasapul mismo ito sa video na kalat na kalat na ngayon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakunan na ng mugshot si Jonel Nuezca, ang pulis sa viral video na nakaalitan ang kanyang mag-inang kapitbahay at kalaunan ay pinaslang pa niya.
Ibinahagi ng Inquirer ang larawan ni Nuezca at makikitang double murder ang kasong kakaharapin nito.
Sa inilabas na impormasyon ng Central Luzon Police, lumabas na patong-patong na criminal at administrative case na pala ang nagawa umano ng suspek.
Sa larawang ibinahagi ng GMA News, taong 2010 pa nang magkaroon ng kaso si Nuezca at ang pinakahuli ay noong Mayo 2019.
Karamihan sa kaso ay naituring na "closed" dahil sa kakulangan di umano ng sapat na ebidensya.
Subalit sa pinakabagong kinahaharap ni Nuezca, marami ang nakasaksi at ang isang mabigat na ebidensya pa sa pangyayari ay ang kalat na kalat nang video na ikinagagalit umano ng mga nakapanood.
Sinasabing dahil sa pagpapaputok ng boga kaya lumabas si Nuezca na naingayan sa ginawa ng pamilya Gregorio.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nagkaungkatan pa umano sa dati na nilang iringan ukol sa 'right of way' ang pangyayari kaya naman mas lalong tumindi ang tensyon sa pagitan ng magkabilang panig na humantong pa sa pagpaslang sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio ayon sa ulat ng News5.
Hustisya ang sigaw ng mga netizens at maging ng mga kilalang personalidad sa bansa na hindi raw katanggap-tanggap ang walang awang pamamaslang sa mag-inang walang kalaban-laban.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, humanga naman ang maraming netizens sa inang si Sonya Gregorio na hanggang sa huling hininga nila ng kanyang anak ay hindi niya ito binitawan.
Bandang 6:19 nang Disyembre 20 nang sumuko ang suspek na pulis na si Jonel Nuezca sa Pangasinan at agad na nai-turnover sa Paniqui Police.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh