"I Don't Care" ng 2NE1, nag-trending dahil sa viral video ng pulis at mag-ina

"I Don't Care" ng 2NE1, nag-trending dahil sa viral video ng pulis at mag-ina

-Matapos na mag-viral ang video ng aktwal na pamamaslang ng isang pulis sa kapitbahay nilang mag-ina sa Tarlac, nagtrending at nag-viral ang music video ng grupong 2NE1 na 'I don't care'

- Ang bahagi ng awit ang huling nasambit ng ina bago ito tuluyang paslangin ng pulis

- Mainit na usapin ito ngayon sa bansa lalo na at kitang-kita kung paanong ang walang kalaban-laban ng mag-ina ay binawian ng buhay ng pulis na nakaalitan

- Hustisya naman ang hiling ng marami sa sinapit ng mag-ina lalo na at kusa nang sumuko ang supek sa awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nag-trending sa social media ang music video ng kantang "I Don't Care" ng KPop group na 2NE1 dahil umano sa insidente ng pamamaril ng pulis sa nakaalitang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Nalaman ng KAMI na ito umano ang huling nasambit ng inang si Sonya Gregorio habang yakap ang anak na si Frank Anthony Gregorio bago sila tinuluyan ng pulis na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca.

Read also

Ina sa viral video ng pamamaril ng pulis, hinangaan ng mga netizens

Ayon sa mga nakasaksi, nagpaputok umano ng boga ang pamilya Gregorio dahilan upang lumabas ng bahay ang pulis na naingayan.

"I Don't Care" ng 2NE1, nag-trending dahil sa viral video ng pulis at mag-ina
"I Don't Care" ng 2NE1 Photo from YG Entertainment YouTube
Source: Twitter

Maririnig sa video ang panaghoy ng pagmamakaawa sa pulis na noo'y hawak na ang kanyang armas.

Tila kumakalma na nang bahagya ang sitwasyon nang sumulpot ang anak ng pulis na imbis daw na umabat sa ama ay sinugod pa si Sonya at isinigaw ang "My father is a policeman."

Dala marahil ng init ng tensyon sa pangyayari, sumagot si Sonya na hawak pa rin ang anak na si Frank at sinambit nang bahagya ang linya mula sa kanta ng 2NE1 na "I don't care."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ilang segundo lamang ang lumipas ay tinuluyan na ng pulis ang mag-ina saka umalis sa pinangyarihan ng krimen na parang walang nangyari.

Dahil dito, tila inalam ng mga netizens ang kantang nasambit ni Sonya bago ito mapaslang at ito nga ang iconic song ng nasabing KPop group.

Read also

Pulis sa viral video na kumitil sa buhay ng mag-ina, sumuko na

"I Don't Care" ng 2NE1, nag-trending dahil sa viral video ng pulis at mag-ina
Photo: @JelStell's tweet
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang 2NE1 ay isang KPop girl group na kinabilangan ng naging dating Korean actress sa Pilipinas na si Sandara Park.

Samantala, kasalukuyan nang nasa kamay ng pulisya ang suspek na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca na kusang sumuko kasabay ang pag-surrender ng armas na ginamit umano niya sa pamamaslang.

Labis na naghihinagpis ang publiko sa nangyari at ang ilan ay humanga pa sa inang si Sonya dahil sa pagmamahal at pagprotekta nito sa kanyang anak hanggang sa huling segundo ng kanilang buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica