Ina ng nasa viral video na dinukot umano ng mga pulis sa Baguio, isinalaysay ang nangyari
- Emosyonal pa rin ang ina ng 25-anyos na si Harjan Lagman nang kumustahin ito ng staff ng "Raffy Tulfo in Action"
- Bagaman at nahuli na ang dalawang pulis na sangkot umano sa pagdukot at pagpaslang kay Harjan, di raw ito umaamin
- Hindi rin daw sinasabi ng mga ito ang mga kasama nila na nakunan ng video
- Hustisya ang sigaw ng ina ng biktima na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung bakit umano napaslang ang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Makalipas ang nasa dalawang buwan mula nang mag-viral ang video ng aktwal na pagdukot sa lalaking si Harjan Lagman, ay bumisita ang staff ni Raffy Tulfo upang kumustahin ang mga naulila nito.
Nalaman ng KAMI na nakapanayam ng RTIA ang ina ni Harjan Lagman na magpasa-hanggang ngayon ay emosyonal pa rin sa pagkawala ng anak.
Ayon kay Linda Lagman, ina ng biktima, patuloy pa rin umano ang pag-follow up niya sa pulisya kaugnay sa kaso ng kanyang anak.
Nitong Disyembre, dalawa umanong mga pulis ang nadakip na sinasabing may kaugnayan sa pagdukot at pagkamatay ni Harjan.
Sila ay pawang nakunan ng video na ang isa pa sa kanila ay wala pang face mask kaya mas madali umanong natukoy.
Subalit sa kabila ng kanilang pagkakadakip, itinatanggi pa rin nila ang pagkakasangkot sa krimen at hindi rin nila pinangalanan pa ang ibang mga kasama.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Emosyonal pa rin ang ina ni Harjan lalo na nang inilarawan nito ang hitsura ng anak nang matagpuan ito sa isang ginagawang tulay sa Tublay, Benguet.
Mababakas daw kasi na pinahirapan ito nang husto bago tuluyang paslangin.
Ayon pa sa mga katrabaho at kapitbahay ni Harjan, masasabing mabait, masayahin at hindi nadadamay sa anumang gulo ang binata.
Kaya naman laking gulat nila nang malaman nila ang malagim na sinapit nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang kaso na ito ni Harjan Lagman ay isa lamang sa mga kaso noong 2020 kung saan pulis ang itinuturong suspek.
Matatandaang bago matapos ang taon, gumulantang sa publiko ang walang awang pamamaslang ng pulis na si Jonel Nuezca sa kapitbahay niyang mag-ina na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.
Sa pagbubukas naman ng taong 2021, isang amang construction worker naman ang napagkamalang magnanakaw ng pulis kaya naman siya ay tinugis at napatay pa umano nito.
Lahat ng mga kasong ito ay tinutukan mismo ni Raffy Tulfo upang agarang mabigyan ng aksyon ang kinahinatnan ng mga biktima.
Nagbigay din umano siya ng tulong sa mga naulila ng mga ito.
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh