2 pulis Baguio, suspek sa pagdukot na nakunan ng video at pagpaslang sa isang lalaki
- Dalawang pulis sa Baguio City ang itinuturong suspek sa pagdukot at pagpaslang sa isang 25-anyos na lalaki
- Nakunan pa umano ng video ang pagdukot sa lalaki na natagpuan nang walang buhay kinabukasan
- Miyembro pa umano ng Cordillera drug enforcement unit ang dalawang pulis na sangkot sa kaso kaya binuwag ang buong grupo dahil sa kanila
- Umaasa ang pamilya ng biktima na makakamit nila ang katarungan habang patuloy pa ring hinahanap ang ulo nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sapul sa video ang pagdukot sa isang 25-anyos na lalaki sa Bagui City na nakilalang si Harjan Lagman.
Nalaman ng KAMI na matapos ang inisyal na imbestigasyon, dalawang pulis Baguio ang itinuturong suspek sa pagdukot at pamamaslang kay Lagman.
Nobyembre 11 bandang alas tres ng hapon nang sapilitang isakay si Lagman sa isang sasakyan kung saan nasa apat na lalaki ang namuwersa sa kanya.
Kitang-kita sa video ang walang laban na si Lagman na naisakay sa sasakyang dali-dali ring umalis.
Maririnig pa sa video ang paghingi nito ng saklolo. May ilang mga taong nakakita at may isang nagtangkang lapitan ang sasakyan ngunit hindi na nagawang tulungan ang biktima.
Kinabukasan, natagpuan nang walang buhay si Lagman at ang masaklap pa rito, tanggal din ang kanyang ulo. Kinumpirma lamang ng kanyang kaanak ang kanyang labi dahil sa tattoo sa kanyang katawan.
Ayon sa panayam ng GMA News kay P/COL. Allen Rae Co, Director ng Baguio City Police, sinabi nitong dalawang pulis na miyembro ng Cordillera drug enforcement unit ang itinuturong suspek sa kaso ni Lagman.
"Sadly, they are police officers assigned at the regional office," ani Co.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Itinatanggi pa raw umano ng dalawang pulis ang pagkakasangkot nila sa kaso. Nasa kustodiya na sila ng Regional Director.
Siniguro naman ng alkalde ng Baguio City na mananagot ang sinumang nasa likod ng karumaldumal na pagpatay kay Lagman.
Samantala, umaasa ang pamilya ni Lagman na makakamit nila ang hustisya sa sinapit ni Harjan. Nakadagdag pa umano sa sakit ng kanilang saloobin at pagkawala ng ulo ng biktima na hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isang buwan halos matapos ang krimeng ito sa Baguio, isang pulis naman sa Tarlac ang walang awang pinagbabaril ang nakaalitang kapitbahay matapos na magpaputok ang isa sa mga ito ng boga.
Nakunan ng video ang pamimilit umano ng pulis na dakpin ang nagpaputok sabalit mahigpit ang yakap ng ina nito kaya hindi niya ito makuha.
Nang magkainitan, nauwi sa pamamaril ng pulis ang mag-ina. Mahaharap sa kasong double murder ang suspek na nakilalang si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh