Kaanak ng mag-inang Gregorio, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang kwento sa likod ng alitan

Kaanak ng mag-inang Gregorio, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang kwento sa likod ng alitan

- Idinetalye ng kaanak ng mag-inang Gregorio ang dati na nilang alitan ng pulis na si Jonel Nuezca bago pa man ang nakagigimbal na krimen

- Ibinahagi ng anak ng biktima na madalas na umano silang gambalain ng pamilya ng pulis lalo na nang matalo ito sa kasong estafa na kanyang sinampa sa mga Gregorio

- Minsan pa nga raw tinangka ng pulis na banggain ng motor ang isa sa mga biktima niya ng pamamaril

- Naganap din ang panunugod ng pulis sa mga Gregorio at nagbabanta ng hindi maganda laban sa pamilya na kanila namang daw naipa-blotter sa pulisya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanayam ni Raffy Tulfo sa kanyang programang 'Wanted sa Radyo' ang dalawa pang anak ni Sonya Gregorio, isa sa biktima ng pamamaslang ng pulis sa viral video na si Jonel Nuezca.

Nalaman ng KAMI na matagal na umanong may sigalot ang dalawang panig dahil sa usapin sa lupa na may kaugnayan sa unang naibalitang dahilan ng pag-aaway na 'right of way.'

Kaanak ng misis ni Nuezca, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang ugali ng mag-asawa

Ayon kay Tasha Delos Santos, anak ni Sonya at kapatid ni Frank, kinasuhan umano sila ng estafa ng pulis subalit naipanalo naman nila ang kaso dahil naisauli naman ng kanilang pamilya ang P40,000 na naibayad na ni Nuezca sa kanila.

Kaanak ng mag-inang Gregorio, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang kwento sa likod ng alitan

Photo: Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Tila iyon umano ang ugat ng galit ni Nuezca sa kanilang pamilya.

Naibahagi pa ni Tasha na minsan nang tinangka ng pulis na sagasaan ang kapatid niyang si Frank na nabaril niya sa viral video.

Nang minsan ding lasing umano ang pulis at sinugod nito si Frank saka binantaan. Naipa-blotter nila sa pulisya ang pangyayaring ito.

"Mayroon ding pong pangyayari na nakainom po siya, bigla po niyang sinugod ulit si Frank, ang sabi po niya mayayabang kayo, ganito ganyan, gusto niyong ilabas ko ang pagkademonyo ko?" salaysay ni Tasha at mayroon din daw silang video ng pangyayaring ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pulis sa viral video, nagsisisi sa nagawang krimen ayon sa Police official

Isa rin sa mga nilinaw ni Tasha ay ang pagsasampa ng kaso ng pulis sa kanila na naganap matapos na naman na nitong ma-refund ang perang ibinayad para sa titulo ng lupa. Iyon din ang dahilan kung bakit natalo sa kaso ang pulis dahil malinaw na walang estafa na naganap dahil naisauli ng buo ang perang ibinayad niya.

"Marami na po silang ginagawa pero hindi po kami umaaksyon... Kung makikita niyo po sa video hindi naman po lumalaban ang nanay ko at kapatid ko," emosyonal na pahayag ni Tasha na kasama rin ang isa niyang kapatid na si Neil.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Disyembre 20 ng hapon nang makunan ng video ang pamamaslang ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio.

Naging malaking usapin lalo ito nang lumabas na makailang beses nang nakasuhan ang pulis dahil umano sa pamamaslang subalit nakakalabas pa rin ito ng kulungan.

Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video

Dahil dito, isa si Tulfo sa mga nangakong tututok sa kasong ito upang masigurong makakamit ng mag-inang Gregorio ang hustisya sa ginawa sa kanilang ng pulis.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel