Jonel Nuezca, emosyonal na sinabing nais niyang ituwid ang kanyang pagkakamali

Jonel Nuezca, emosyonal na sinabing nais niyang ituwid ang kanyang pagkakamali

- Nagpapakita raw ng pagsisi ang pulis sa viral video na si Jonel Nuezca sa nagawa niyang pagpaslang sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac

- Ayon sa chief of police ng Paniqui, naluluha pa umano si Nuezca habang sinasabing nais niyang ituwid ang kanyang pagkakamali

- Kasama ng iba pang bilanggo si Nuezca ay wala umanong special treatment na ginagawa sa kanya

- Hindi naman daw ito nagrereklamo sa kalagayan nito sa selda at handa raw itong harapin ang nagawa niyang pagkakamali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakalagak na ngayon sa kulungan si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, ang suspek sa pagpatay sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio sa kanila mismong tahanan sa Paniqui, Tarlac.

Nalaman ng KAMI na makailang beses na nabanggit ni Nuezca na labis siyang nagsisisi sa kanyang nagawang pamamaslang sa nakaalitang mag-ina.

Read also

Asawa ni Frank Gregorio, humagulgol sa kanyang unang video interview

Ayon sa panayam ni Chona Yu ng Radio Inquirer kay Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa, naluluha pa umano si Nuezca nang sabihin nito ang kanyang pagsisisi.

Jonel Nuezca, emosyonal na sinabing nais niyang ituwid ang kanyang pagkakamali
Jonel Nuezca Photo from Peach Prosa
Source: Facebook

"Nanginginig luha niya. Kung kaya lang daw niyang ibalik yung pagkakataon, yung time para ituwid niya yung pagkakamali niya," ani Rombaoa.

Nasabi rin ni Nuezca na handa naman umano itong harapin ang kanyang nagawang pagkakamali.

Ipinakita rin ang kalagayan ni Nuezca kung saan kasama rin siya ng ibang mga bilanggo at wala umanong special treatment na nangyayari sa loob.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Sama-sama po sila sa loob ng detention cell at wala pong separate na kulungan si Nuezca," dagdag ni Rombaoa.

Hindi rin umano ito nagrereklamo kahit may kainitan ang loob ng kanilang selda.

Nabanggit din ni Rombaoa na binisita na rin si Nuezca ng kanyang misis.

Read also

Jonel Nuezca, nagpayahag ng pagsisisi sa unang interview

Binigyan ng seguridad ang panig ng biktima at maging ang pamilya ng suspek lalo na at parehong may mga menor de edad sa insidente. Sumasailalim na rin daw ang mga ito sa counseling.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Disyembre 20 nang makunan ng video ang karumaldumal na pamamaslang ni Nuezca sa mag-inang Gregorio.

Kapitbahay umano si Nuezca ang mag-ina at naingayan daw ito nang magpaputok ng boga si Frank, isa sa kanyang biktima.

Lalong naging mainit ang iringan nang magsalita ang anak ni Nuezca at nang sagutin ito ni Sonya, ang ina Frank, saka na sila nagawang paslangin ng pulis.

Ilang oras matapos ang krimen, kusa nang sumuko si Nuezca sa awtoridad.

Dahil sa pangyayaring ito, lumabas ang dati nang patong-patong na kasong nagawa ni Nuezca kabilang na rito ang dalawang beses umano niyang pagpaslang subalit na-dismiss ang mga kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel