3 Kapamilya actors, "nagparamdam" daw sa character actor na si Josh Ivan Morales

3 Kapamilya actors, "nagparamdam" daw sa character actor na si Josh Ivan Morales

- Ibinulgar ng character actor na si Josh Ivan Morales na may tatlong Kapamilya actors na nagparamdam daw sa kanya

- Ani pa ni Josh, "nagparamdam" daw itong tatlong male stars sa pamamagitan ng text messaging

- Bumuhos ang samu't saring reaksyon at komento tungkol sa pasabog na ito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinag-uusapan ngayon ang interview ni Mr. Fu kay character actor Josh Ivan Morales dahil sa pasabog na ibinahagi nito.

Spotted ng KAMI ang naturang interview sa 'What The Fu' sa WTFu YouTube channel ng disc jockey na si Mr. Fu na na-publish noong January 31, 2019.

Dito ay isiniwalat ni Josh na may tatlong Kapamilya male stars umano na "nagparamdam" daw sa kanya noon sa pamamagitan ng text messaging.

Ang tatlong aktor ay nakatrabaho umano niya sa ilang mga programa ng ABS-CBN.

Sa nasabing panayam ni Mr. Fu kay Josh, itinanong kung may mga "aktor na may itinatago sa likod ng camera" na nagkakagusto raw sa kanya at dito niya ibinunyag ang tungkol sa tatlong Kapamilya actors.

Ani pa sa kanya, kaugnay ng pagpaparamdam ng mga ito:

“The usual… nagti-text. Nagti-text before...”

Pero wala naman raw siyang "napagbigyan."

Nang itinanong naman sa kanya kung ano raw ang itini-text sa kanya, sagot naman ni Josh:

“The usual… yung, di ba, invitation, ganun…. Pupunta ka sa ganyang lugar. Ganun lang naman yun.”

Una naming naispatan ang naturang panayam kay Josh Ivan Morales sa balita ng PEP.

Si Josh Ivan Morales ay nakabilang umano sa teleseryeng Bagani, A Love To Last, Honesto, My Little Juan, Walang Hanggan, at Imortal sa Kapamilya network.

Mapapanood din ngayon ang aktor sa ABS-CBN afternoon drama series na Kadenang Ginto, na pinagbibidahan nina Albert Martinez, Dimples Romana, at Beauty Gonzalez.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ginang, gumawa ng 1 libro tungkol sa namayapang asawa para sa kanilang mga anak

Misis, nakagawa ng libro tungkol sa yumaong asawa para sa kanilang mga anak

Ginang, gumawa ng 1 libro tungkol sa namayapang asawa para sa kanilang mga anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel