Lalaki sa viral post noong 2020, hanap pa rin ang babae sa jeep na nakatulog sa balikat niya
- Makalipas ang isang taon, hinahanap pa rin ng lalaki sa viral post ang babaeng nakasakay niya sa jeep at nakatulog umano sa kanyang balikat
- Matatandaang nag-viral ang post dahil nagpasalamat pa umano ang lalaki sa di niya kilalang babae dahil sandali niyang naramdaman kung paano magkaroon ng kasintahan
- Sa sarap daw ng tulog ng babae, ayaw na raw pumara ng lalaki huwag lamang itong maistorbo
- Aliw na aliw naman ang mga netizens na nakabasa ng makulit na post na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang taon na ang nakalipas nang mag-viral ang post ng netizen na si Arvee Rivera Estacio tungkol sa babaeng nakasakay niya sa jeep.
Nalaman ng KAMI na ang di niya kilalang babaeng ito ay napasarap ang tulog at nagawa pang humilig sa balikat ni Arvee.
Nakunan ng larawan ni Arvee ang eksena nilang ito sa jeep at idinaan sa biro na nais niyang mahanap ang babaeng ito.
"Ate kung sino ka man, salamat at naiparamdam mo saakin na kahit sandali lang nagkajowa ako," Nag bahagi ng caption ni Arvee sa kanilang larawan ng babae.
Nagdadalawang isip pa umano siyang pumara huwag lamang maistorbo ang babae sa himbing ng pagkaka-idlip nito sa keep.
Subalit isang taon na ang dumaan at hindi pa rin daw umano nahahanap ni Arviee ang babae.
Maging ang mga netizens ay nagsabing baka tila hindi sila ipinag-adya sa isa't isa o baka naman hindi na 'single' ang babaeng hinahanap ni Arvee.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Narito ang ilan pa sa mga komento sa viral post:
"May jowa na yan malamang. Bawi na lang next time"
"Baka mommy na po yan. Sobrang pagod lang kaya nakatulog kaya di na rin nagpakilala"
"Naku, baka misis na yan sir. Hanap na lang ng iba"
"Huwag mo na po hanapin. Baka mayari ka po ng mister niyan"
"Move on ka na po, malamang taken na si ate. Pagod lang talaga noon"
Sa araw-araw na pagsakay ng mga pasaherong Pinoy sa Jeep, talagang iba't ibang eksena ang kanilang nararanasan.
Matatandaang minsan na ring nag-viral ang isang frontliner na naantig ang puso matapos na isauli ng jeepney driver ang kanyang pamasahe. Ito raw ay bilang pasasalamat ng driver sa paglilingkod ng frontliner ngayong pandemya.
Hinangaan din ang isang jeepney driver na sa kabila ng tumal ng pasada dahil sa pandemya ay nakuha pang mamigay ng libreng sayote sa kanyang mga pasahero.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh