Jeepney driver sa Baguio, namigay ng libreng sayote sa kanyang mga pasahero
- Hinangaan ang isang jeepney driver sa Baguio na namimigay ng libreng sayote sa kanyang mga pasahero
- Mapapansing may plastik na rin sa tabi ng mga sayote kung saan pwedeng isilid ng pasahero ang naturang gulay
- Kwento ng tsuper, tanim daw iyon ng kanyang mga magulang kay ibinahagi na lamang niya upang di masayang
- Laking pasalamat ng kanyang mga nabigyan lalo na at marami talaga ang naghihikahos ngayong panahon ng pandemya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ang larawan ng isang jeepney driver sa Baguio na namigay ng libreng sayote sa kanyang mga pasahero.
Nalaman ng KAMI na nakalagay ito sa bandang unahan ng kanyang jeep at may karatulang "Free sayote" habang may plastik na ring nakahanda kung saan pwedeng ilagay ng pasahero ang kukunin nilang libreng gulay.
Sa ulat ng GMA News, ang naturang larawan ay kuha umano ng netizen na si Jazee Jaz. Natuwa raw umano ito sa ginawa ng tsuper lalo na sa panahon ngayon na marami ang naghihikahos at walang makain dahil sa epekto ng pandemya.
Nakilala rin ang mabait na jeepney driver na si Renren Jazarino ng Barangay Irisan.
Sa panayam sa kanya ng Philippine Star, naikwento nitong pananim pala ng kanyang gma bumisitang mga magulang ang sayote.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Ngunit dahil nakauwi na ang mga ito sa Tarlac, naiwan ang sandamakmak na bunga ng kanilang itinanim.
Imbis daw na masayang, naisipan niya itong ipamigay sa kanyang maa pasahero sa kanyang pamamasada.
Ayon pa sa Manny Pacquiao Public Information System, marami ang bumilib sa mapagbigay na tsuper dahil ipinamigay na lamang niya talaga ang magagandang klaseng sayote imbis na ibenta.
Dahil dito, marami-rami rin siyang pamilya na napakain lalo na iyong mga hirap sa gastusin sa pangaraw-araw.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, isang jeepney driver din ang hinangaan dahil naman sa pagtulong niya sa isang frontliner na kanyang naging pasahero.
Laking gulat daw ng nurse nang isauli ng tsuper ang kanyang pamasahe. Iyon pala, ito raw ang munting pasasalamat ng tsuper sa mga sakripisyo ng frontliners na tulad ng nurse.
Kung tutuusin, isa ang mga jeepney drivers sa labis na naapektuhan ng krisis na dala ng pandemya.
Karamihan sa kanila, lalo na iyong mga nasa Metro Manila ay hindi agad nakapasada dahil sa pagsasailalim ng community quarantine sa lugar.
Kaya naman nakatutuwang isipin na kahit sila mismo ay hirap sa buhay lalo na ngayong pandemya, ang ilan pa rin sa kanila ay nakatutulong sa kapwa mas higit na nangangailangan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh