Frontliner, naantig ang puso nang isauli ng jeepney driver ang kanyang pamasahe

Frontliner, naantig ang puso nang isauli ng jeepney driver ang kanyang pamasahe

- Viral ang post ng isang frontliner tungkol sa kabutihang ipinakita sa kanya ng isang tsuper ng jeep

- Laking gulat niya nang ipasauli ng driver ang kanyang bayad at hindi niya talaga ito tinanggap

- Inakala niyang walang barya ang driver hanggang sa pinaliwanag nitong libre na ang pasahe gayung frontliner ang pasahero

- Nagpasalamat ng husto ang frontliner dahil sa pagpapahalagang ipinakita sa kanya ng tsuper

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Frontliner, naantig ang puso nang isauli ng jeepney driver ang kanyang pamasahe

Jeepney Driver (Photo from Wallpaper flare)
Source: UGC

Ibinahagi ng isang netizen ang nakakaantig ng pusong ginawa sa kanya ng isang jeepney driver.

Nalaman ng KAMI na frontliner pala ang uploader na si Gray Diocs na sumakay sa isang jeep kung saan naganap ang insidente.

Sa kanyang post, ikinuwento nitong nagpaabot siya ng bayad sa jeep. Di nagtagal ay biglang bumalik sa kanya ang kanyang ibinayad.

Inakala pa raw ni Gray na walang barya ang tsuper ngunit nang ito'y kanyang tanungin, pinasabi nalang nito ang kanyang sagot.

"Ibalik mo lang to', frontliner yan. Maliit na bagay tulong ko sa kanila," ang sagot ng tsuper.

Aminadong naantig ang puso ni Grays sa ginawa ng tsuper.

Hindi raw niya akalaing may mga mabubuting tao na may mabubuting puso na marunong magpahalaga sa mga ginagawa ng frontliners sa laban natin kontra COVID-19.

Sa kanyang munting paraan, naiparamdam ng tsuper ang suportang kinakailangan ng mga medical frontliners ngayon lalo na at nakararamdam na rin sila ng pagod at ang iba pa sa kanila ay nahahawa na rin sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng post:

Samantala, maging ang mga netizens ay humanga sa pagmamalasakit na ginawa ng tsuper kay Gray.

Ang ilang kapwa frontliner ng uploader ay nakaranas din ng pagsasauli ng bayad nang minsang masakyan din daw nila ito.

"Mabait talaga yan na driver c bapa ang iba hndi nya pinapabayad lalo na pag matanda tska yun wla pang pandemic nag bayad din ako sknya ksma ko anak ko hndi nya ako pinabayad sabi nya ibli nlang ng candy ni bby mabait talaga yan sya"
"Parangalan si manong, dahil concern siya sa lahat mga frontliners. Mabuhay po kayo manong driver. Allah bless you. At sa lahat mga frontliners, keep safe everyone."
"Napakabait ni tatay GODBLESS po Tay, nawa'y protektahan ka ni lord para di po kayo mag kasakit"
"Sana lahat ganito kabait kay tatay marunong makiramdam"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang mga jeepney driver na labis na naapektuhan ang kabuhayan sa panahon ng pandemya.

Aminadong ilang buwan silang nagutom at ang iba, magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa rin makabalik sa pamamasada.

Dahil dito, ilang grupo ng mga tsuper lalo ang mga di makabiyahe pa sa Metro Manila ay lakas-loob na namamalimos, malamnan lang ang kumakalam nilang sikmura gayundin ang mga nagugutom nilang pamilya.

Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap, nakatutuwang may mga driver pa nagagawa pa ring tumulong sa iba kahit pare-pareho naman tayong dumaranas ng krisis na dulot ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel