"Soul music pioneer," Obitwaryo ng New York Times kay Rico J. Puno

"Soul music pioneer," Obitwaryo ng New York Times kay Rico J. Puno

- Pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang pagkawala ng isa sa mga haligi ng Original Pilipino Music o OPM na si Rico J. Puno

- Ang buong industriya ay nagdalamhati at nakikiramay sa mga naiwan ng yumaong singer at aktor at nagbibigay pugay rin sa mga magagandang ala-ala ng huli

- Ngayon, pati ang the New York Times ay nagpost umano ng obitwaryo sa OPM legend at ang tawag nila rito ay ang "soul music pioneer," ayon pa sa balita

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na naispatan ng KAMI ang yumaong Rico J. Puno ay binigyan ng isang obitwaryong parangal mula sa the New York Times.

Ayon pa sa ABS-CBN News, inilarawan nga ang lumisang OPM legend bilang ang soul music pioneer ng Pilipinas.

Isang artikulo nga mula sa the New York Times ang may pamagat na:

"Rico J. Puno, Soul Music Pioneer in the Philippines, Dies at 65"

Ang naturang artikulo ay inilarawan rin si Rico J. Puno bilang:

One of the "three the biggest stars of the glory days of Filipino music,” ayon pa sa music columnist na si Baby A. Gil, sa The Philippine Star noong 2002, diumano.

At binigyang pugay rin siya sa kanyang malaking ambag sa paghulma sa Manila Sound o mas kilala ngayon bilang ang OPM.

Inilista rin ng naturang artikulo ang mga halimbawa kung bakit tinuturing isang "larger-than-life total entertainer" si Rico J. Puno.

Sinulat ang naturang artikulo ni Mike Ives ng The New York Times sa kanilang Obituaries section sa kanilang online website.

Bukod pa kay Rico J. Puno, iilan na ring mga haligi sa industriya at sa sining ang namaalam, at ika nga nila, ganyan naman talaga ang gulong ng buhay.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin