Suzette Doctolero, pinalagan ang mga nambabatikos sa "Voltes V"
- Inalmahan ni Suzette Doctolero ang mga negatibong reaksiyon at patutsada ng ilang netizens kaugnay sa nalalapit na bagong palabas ng GMA-7
- Pinuna ni Suzette ang komento ng ilang netizens na sana daw ay huwag daw gawing madrama at iyakan ang Voltes V
- Paliwanag ng Kapuso writer, hindi maiiwasan ang drama dahil hango sa orihinal na kwento ng Voltes V ay may malulungkot na bahagi talaga
- Nakatakdang ipalabas ang Voltes V sa GMA na ayon kay Doctolero ay unang beses na may bansang nagtangkang gawing live action soap series ang nasabing anime
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos umani ng samu't-saring reaksiyon ang inilabas na trailer para sa Voltes V na gagawing live action soap series na nakatakdang ipalabas sa GMA-7, hindi pinalampas ni Suzette Doctolero ang mga komento.
Una niyang inalmahan ay ang patutsadang huwag gawing madrama ang serye. Paliwanag ni Doctolero, kung pagbabasehan talaga ang orhinal na kwento ng anime, hindi pwedeng walang drama dahil sadyang may malulungkot na bahagi ang kwento.
Ang dami pong iyakan at madadrama sa Voltes V! Bago magbida-bida, panoorin ninyo nga uli ang anime verson nang malunod kayo sa drama at luha! Agawan ng minanang trono, fall ng isang tagapagmana na from the nobility, pagpapanggap at pagkabuking sa tinatagong sekreto, At paghahanap sa nawawalang magulang. At yes, angst sa mga namatay na pamilya. Kaloka. Soap na soap po ang VV anime, ewan ko kung bakit di ninyo iyan nakita. O sadyang mema at pabida lang? At di naman napanood o ninamnam talaga?
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Aniya, dapat ay ipunin muna ang panlalait at panuorin muna ang serye at huwag pangunahan ng panghuhusga.
Dagdag pa niya, aprubado ng Japan ang script ng seryeng ito at marami umanong magagaling na Pinoy animators ang naghirap para mapaganda ito.
Aniya ito umano ang unang pagkakataon na may magtatangka at naglakas loob na gumawa ng live action soap series ng isang sikat na anime show.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Suzette Doctolero ay kilalang Filipino screenwriterpara sa pelikula at telebisyon. Ilan sa kanyang obra ay ang GMA series na Encantadia noong 2005 at maging ang Encantadia 2016 reboot. Kilala siya bilang screenwriter, series creator at creative consultant para sa GMA Network.
Naging usap-usapan ang naging sagutan nila ni Angel Locsin noong kainitan ng isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.
Maging ang kasintahan ng aktres na si Neil Arce ay sinagot siya kaugnay sa pahayag nito tungkol kay Angel.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh