Angel Locsin, diretsahang sinagot ang komento ni Suzette Doctolero

Angel Locsin, diretsahang sinagot ang komento ni Suzette Doctolero

- Diretsahang sinagot ni Angel Locsin ang pasaring ng GMA-7 writer na si Suzette Doctolero

- Ito ay hinggil sa kanyang naging pahayag na tinawag ng writer na exaggerated at OA

- Nakipagsagutan si Angel laban sa writer na dati niyang nakatrabaho noong nasa GMA-7 pa siya

- Todo suporta din ang kanyang fiancé na si Neil Arce at nakipagsagutan din kay Doctolero sa Twitter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakapagpigil si Angel Locsin matapos tawaging exaggerated at OA ang kanyang pahayag. Hindi niya pinalampas ang naging pahayag ng GMA-7 writer na si Suzette Doctolero.

Nauna na niyang pinayuhan ang kanyang kasintahang si Neil Arce na huwag nang patulan ang mga sinasabi ni Suzette. Ani Angel, ang opinyon ng writer ay nagmula lamang sa isang artist na walang pakialam sa kapwa.

Angel Locsin, diretsahang sinagot ang komento ni Suzette Doctolero

NurPhoto via Getty Images
Source: Getty Images

Wag mo nang patulan. People might think na this is just a battle bet networks & not the whole film & TV industry. That’s just one sad opinion of an artist na walang pakielam sa kapwa kasi comfortable sya sa ngayon. I Red heart GMA ppl. 1 tao lang naman ang bad sakin dun pero wala na now.

Dahil sa kanyang sinabi, muling sumagot si Doctolero at sinabihan si Angel na hindi porke't pinuna ang kanyang "false" statement ay wala na siyang pakialam.

Muling bumwelta si Angel at sinagot ang sinabi nitong gamitin ng aktres ang kanyang utak.

"Sa gitna ng dalamhati ng mga kasamahan mo sa industriya, naisip mong idiscredit ang lumalaban para sa kanila? May heart po kayo. Use it. Baka masama lang po ang araw nyo ngayon. Naiintindihan ko po. Sana bukas okay na po kayo," ani Angel.

Paglilinaw ni Angel, lumalaban siya para sa lahat at kasama umano ang GMA-7 sa kanyang ipinaglalaban. Gayunpaman, pinamukha nito sa writer na hindi tama ang kanyang ginawang pag "discredit" sa aktres gayung ipinaglalaban lamang niya ang karapatan ng mga kasamahan nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

Matatandaang naging laman ng balita ang aktres kamakailan dahil sa kanyang matapang na pahayag sa mga kasamahan niyang artista na nanatiling tahimik kaugnay sa ABS-CBN franchise.

Hindi din niya napigilang magbigay ng komento hinggil sa pahayag ni Spox Harry Roque hinggil sa donasyon ng ABS-CBN sa panahon ng pandemya.

POPULAR: Read more about Angel Locsin here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel