Pamangkin ng babae sa picture ni Vico Sotto, nilinaw ang totoong nangyari

Pamangkin ng babae sa picture ni Vico Sotto, nilinaw ang totoong nangyari

- Ibinahagi ng isang netizen ang katotohanan sa likod ng viral na picture na ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto

- Nilinaw ng netizen na pamangkin siya ng babaeng inakala ng karamihan na nakangiwi dahil naapakan ni Vico ang kanyang paa

- Ayon sa nasabing netizen, hindi totoong naapakan ni Viso ang paa ng kanyang tiyahin

- Nakangiwi lang umano iyong tiyahin niya dahil sa talsik ng tubig na ibinuhos kay Mayor Vico

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mag-viral ang reaksiyon ng isang ale sa mga litratong ibinahagi ni Pasgig City Mayor Vico Sotto, nilinaw ng pamangkin ng nasabing babae ang tunay na nangyari.

Sa isang panayam sa Philippine Star, nilinaw ni Kamille Santos na hindi naapakan ni Mayor Vico ang kanyang tiyahin.

Ang naturang mga litrato ay kuha sa Pista ni San Sebastian sa Pinagbuhatan, Pasig noong nakaraang taon.

Raquel Pempengco, buong pusong tinanggap ang ina matapos siyang ipa-Tulfo
Pamangkin ng babae sa picture ni Vico Sotto, nilinaw ang totoong nangyari

Photo from Vico Sotto
Source: Facebook

Paliwanag ni Santos, naging tradisyon na ang pagbabasaan sa pagoda or parade ng mga replica ni San Sebastian. Kasama umano siya at kanyang mga pinsan sa nasabing litrato.

Nilinaw niyang nakaangat ang sapatos ni Mayor Vico kaya hindi nito naapakan ang paa ng kanyang tiyahin.

May video po na nirepost si mayor last year. Hindi siya natapakan. Parang nakasimangot lang ‘yung aunt kasi nag- sprinkle ‘yung tubig na binuhos kay mayor,”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ibinahagi ni Vico ang nasabing throwback picture kasabay ng kanyang pagbati sa kapistahan sa Barangay Pinagbuhatan.

Aniya pa ay sana pwede na maulit ang nakasanayang tradisyon sa nasabing barangay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Vico Sotto ay nakilala bilang anak ng TV host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes. Kasalukuyan siyang nanunungkulan bilang Mayor ng Lungsod ng Pasig.

Sec. Harry Roque, sinagot ang mga trending na isyung kinasangkutan niya

Isa siya sa pinakapinupuring mga alkalde dahil sa magagandang proyektong kanyang pinapatupad sa kanyang nasasakupan.

Kamakailan ay binahagi niya ang tungkol sa libreng face shield na pinapamigay ng kanilang pamahalaang lungsod.

Pinatunayan niya rin ang katapatan sa pamumuno niya nang tanggihan niya ang 2 milyon na ibinibigay sa kanya kapalit ng pagpapabilis ng pag apruba ng permit ng isang negosyante.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel