Raquel Pempengco, buong pusong tinanggap ang ina matapos siyang ipa-Tulfo

Raquel Pempengco, buong pusong tinanggap ang ina matapos siyang ipa-Tulfo

- Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng ina ni Raquel Pempengco sa programa ni Raffy Tulfo, muli silang nakapag-usap

- Ito ay matapos hilingin ng matanda na ihatid siyang muli sa bahay ng kanyang anak na kamakailan ay umani ng pambabatikos

- Inihingi ng paumanhin ng ina ni Raquel ang kanyang nagawa sa kanyang anak at hindi nito mapigilang maiyak

- Kahit emosyonal ay tinanggap ni Raquel ang ina at hiniling na sana ay huwag nang ulitin ng ina ang kanyang ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emosyonal ang muling pagkikita ni Raquel Pempengco at ng ina niya na nauna nang nagreklamo sa programa ni Raffy Tulfo.

Nilinaw ng mag-ina na walang katotohanan ang sinabi noon ng matanda na binato siya ng lagayan ng tubig.

Ayon kay Raquel, sa harapan ng matanda niya binato iyon upang matigil muna ang matanda at may video umano siya na magpapatunay nun.

Billy Jack Sanchez, hinamon si Erwin Tulfo ng IQ test
Raquel Pempengco, buong pusong tinanggap ang ina matapos siyang ipa-Tulfo

Jake Zyrus (@jakezyrusmusic)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bale wala na umano kay Raquel ang kahihiyan na pinagdaanan niya pero sana huwag na daw ulitin iyon ng kanyang ina.

Ayon naman sa ina ni Raquel, may magandang naidulot ang nangyari. Nagsilbing aral umano ito at nakita niyang ang anak niya ang tunay na nagmamahal sa kanya.

Aminado naman ang matanda sa kanyang pagkakamali.

Bukod sa pagtulong ng programa ni Raffy Tulfo na maihatid ang matanda sa bahay ni Raquel, nagbigay din si Idol Raffy ng mga gamot para sa matanda.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng ina ni Raquel kay Raffy Tulfo sa tulong niya sa kanya at sa pagpapagamot umano nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Raquel Pempengco ay nakilala sa showbiz bilang ina ni Charice Pempengco. Si Charice ay lumantad bilang miyembro ng LGBT community at nagpalit ng kanyang pangalan. Siya ay kasalukuyang kilala sa pangalang Jake Zyrus.

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

Matatandaang naging malaking isyu din ang pagkakasamaan ng loob ni Raquel at ng anak na ngayon ay kilala sa pangalang Jake Zyrus. Hindi naging maganda ang reaksiyon ni Raquel sa ipinalabas na kwento ng buhay ng anak sa Maalaala Mo Kaya. Sa librong sinulat, nilabas din ni Jake Zyrus ang diumano'y sinapit niya sa kamay ng kanyang ina.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel