Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

- May sagot si Raquel Pempengco sa pahayag ng anak niyang si Jake Zyrus

- Ayon kasi kay Jake itinuturing daw siyang demonyo ng sarili niyang pamilya

- Kasalukuyang nasa ospital ang lola nito na umano ay naghihintay ng kanyang pagbisita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinagot ni Raquel Pempengco ang pahayag ni Jake Zyrus na itinuturing daw siyang demonyo ng sarili niyang pamilya.

Napag-alaman ng KAMI ang tungkol sa naging pahayag ni Jake sa pamamagitan ng Pep. Sa isang panayam ay nabanggit kay Jake na nangangailangan ng suportang pinansiyal ang kanyang lola na si Tess Relucio.

Sagot ni Jake, "I'm her grandson. She has children, I think it's kinda unfair na ako lang yung laging pinuntirya.

"I mean, I cannot just keep quiet about it because all my life, I've been trying to clean my name in front of these people who always laugh at me, who always make fun of me, who always tell me that I am the devil in the family.

"And the thing is, the sad thing is, tanggap ko na yun, na ako na yung demonyo sa kanila."

Dagdag pa niya, tutulong daw siya nang hindi pinapaalam sa publiko.

Ayon naman sa ina niya na nakapanayam ng Pep sa pamamagitan ng message sa Facebook na hindi nito alam kung bakit nasabi iyon ni Jake.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Sa panahon ngayon, dapat isipin kung papaano masu-solve ang problema.

"Hindi ko alam kung saan niya nakukuha iyang mga pinagsasabi niyang demonyo sa pamilya."

Sa kanyang Facebook account ay naglabas ng saloobin si Raquel.

"Ang kailangan ngayon ng Nanay ko, e, ang pagdamay at presensiya niya.

"Meron o walang pera sana magpakita siya... Ako nga kahit gaano kalaki ang galit at hinanakit ko sa Nanay ko na halos ikamatay ko pa noon, e, andito ako sa tabi niya gumagawa ng paraan.

"If ever na anuman ang mangyari? Knock on wood... Dun siya iiyak-iyak? At sasabihin niyang nami-miss niya, like what happened to my father and her father too?”

Tungkol naman sa sinabi nitong apo lamang siya, "Yes, it's true, we're her children and [Jake] only her ‘granddaughter’ [pero gusto ni Jake na grandson ang tawag sa kanya] but my mother needs her presence only.

"We're asking for some help, oo, pero kung wala siyang maitutulong magpakita man lang siya..."

"Don't worry Charice, na-solve na namin ang lahat without your help.

"Katulad ng kasabihan [sa] lahat na ang, ‘PAMILYA AY PAMILYA KAHIT ANUMAN ANG MANGYARI MAGKAKASAMA PA RIN.’

"Ang tanong ko sa'yo CHARICE!

"'TINUTURING MO PA RIN BA KAMING PAMILYA?'"

Medyo maayos na raw ang kalagayan ni Lola Tess sa kasalukuyan ngunit umiiyak daw ito pag nalalamang hindi parin dumadalaw si Jake.

"Nakakausap na po ngayon, umiiyak nga lang pag naalala niya na di dumadalaw sa kanya ang paborito niyang apo."

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel