Billy Jack Sanchez, hinamon si Erwin Tulfo ng IQ test

Billy Jack Sanchez, hinamon si Erwin Tulfo ng IQ test

- Galit na hinamon ni Billy Jack Sanchez si Erwin Tulfo matapos ungkatin ng news anchor ang naging kaso nito

- Hindi niya nagustuhan na muling binanggit ni Erwin na nahulihan siya umano ng illegal na droga noong taong 2018

- Hamon ni Sanchez, sumailalim sila ni Tulfo sa IQ test at pagsusuri upang matukoy kung gumagamit siya ng pinagbabawal na gamot

- Si Sanchez ay nag-viral kamakailan matapos sitahin dahil hindi nakasuot ng helmet ang angkas niyang kasintahan sa kanyang motorsiklo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Galit na galit at napamura si Billy Jack Sanchez habang inilalabas ang kanyang saloobin matapos talakayin ni Erwin Tulfo ang tungkol sa viral na video nito na nahuli at nasita ng mga otoridad dahil sa hindi nakasuot ng helmet ang kanyang angkas.

Hinamon ni Sanchez si Tulfo na sumailalim sila sa IQ test at pagsusuri upang matukoy kung gumagamit nga siya ng pinagbabawal na gamot.

Read also

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

Dagdag pa niya, pag nag-negatibo umano siya sa paggamit ng bawal na gamot, isara na ni Tulfo ang programa niya.

Billy Jack Sanchez, hinamon si Erwin Tulfo ng IQ test
Photo from Erwin Tulfo
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Iginiit niyang nagbago na siya kaya hindi umano tama na siraan siya sa pamamagitan ng pagbalik ng kaso niya noong nakaraan mga taon.

Bukod sa IQ test ay hinamon niya rin ng Psychological test ang news anchor.

Bahagi niya, dalawa ang trabaho niya para makapagbagong buhay kaya hindi niya deserve ang ginagawa sa kanya. Nagpakatotoo lang umano siya nang mahuli siya at ibinahagi niya lang ang kanyang saloobin.

Ipinakita niya pa ang kanyang katawan para ipakita na maganda umano ito na nagpapatunay na hindi daw siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Lolit Solis, ilalaban na hindi totoo ang bintang kay Dingdong Dantes

Kamakailan ay nag-viral ang video kung saan nahuli si Billy Jack Sanchez dahil iginigiit nitong hindi siya dapat tiketan dahil ang girlfriend niya umano ang may violation na walang suot na helmet at hindi siya.

Kilala si Erwin Tulfo sa pagiging matapang nito sa kanyang komentaryo. Sa katunayan, pinuna niya kamakailan ang ilang government workers na hindi sumusunod sa mga COVID-19 protocols.

Sa kanya din lumapit ang ina ng napaslang na lady driver na si Jang Lucero.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel