Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

- Napahalakhak si Raffy Tulfo sa mga nabitawang salita ng isang complainant

- Nais kasing malaman ng nagrereklamo kung anak nga ba niya ang batang nasa puder na ngayon ng dati niyang kasintahan

- Dati'y nabanggit ng ex-girlfriend niya na siya umano ang ama ng batang mag-isa niyang pinalalaki

- Subalit ngayong nasa Pilipinas na siya, itinatanggi na ng dating nobya at hindi raw siya ang ama nito

- Humingi narin ng tulong ang lalaki sa programa ni Tulfo para mapa-DNA ang bata at magkaalaman kung anak ba niya talaga ito o hindi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakaiba ang kinalabasan ng episode na ito ni Raffy Tulfo. Imbis kasi na seryoso at nagkakainitan ang mga dumudulog sa kanyang programa ay siya mismo ang napahalakhak sa kakatawa dahil sa makukulit na salitang nabitawan ng kanyang complainant.

Nalaman ng KAMI na ang video na ito na may pamagat na "Super comedy si Kuya! Napatayo si Idol sa sobrang tawa ay tungkol sa isang dating OFW na nais malaman kung anak nga niya ang batang nasa puder ng kanyang dating kasintahan.

Billy Jack Sanchez, hinamon si Erwin Tulfo ng IQ test

Humingi ng tulong ang lalaking si Guillermo Bancia Jr. kay Tulfo dahil sa itinatanggi ng kanyang dating nobya na si Jovilie Baguio na siya ang ama ng anak nito.

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng dating OFW

Photo from Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kwento ni Guillermo, minsan nang inamin sa kanya ni Jovilie noong siya ay nasa abroad pa na sa kanya ang batang ipinagbuntis nito noong sila ay nagkahiwalay.

Ngunit ngayong nasa Pilipinas na siya, itinatanggi na nito siya ang ama ng bata.

Pangamba kasi ni Guillermo na baka nakakasalubong na pala niya ang kanyang anak nang di niya nalalaman gayung nasa iisang probinsya lamang sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit mariing sinabi pa rin ni Jovilie na hindi raw talaga si Guillermo ang ama ng anak niya na mag-isa niyang tinataguyod.

Nabanggit daw kasi ni Jovilie nang minsang magkausap sila ni Guillermo na may pagkakahawig daw ang ilong nila ng kanyang anak.

Bride, tuluyan nang kinasuhan ang kanyang groom na umurong sa kasal

Doon lalong naengganyo ang lalaki na alamin kung siya nga ba ang tatay nito.

Nang ipalawaran ni Tulfo ang ilong ni Gullermo at ilong ng bata, doon na napahalakhak ang host ng programang 'Wanted sa Radyo.'

Upang magkaalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo, ipapa-DNA na ni Tulfo ang bata lalo na at balak magsustento ni Guillermo kung lumabas na anak din niya ang supling ni Jovilie.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Raquel Pempengco, buong pusong tinanggap ang ina matapos siyang ipa-Tulfo

Tulad ni Guillermo, isa rin sa mga natulungan ni Tulfo na mapa-DNA test ang anak ay ang lalaking nakipaghiwalay sa kinakasama dahil sa nananakit ito. Nais niyang makumpirma kung sa kanya nga ba ang bata upang mabigyan din niya ng sustento.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel