Bride, tuluyan nang kinasuhan ang kanyang groom na umurong sa kasal

Bride, tuluyan nang kinasuhan ang kanyang groom na umurong sa kasal

- Tuluyan nang kinasuhan ng bride na lumapit kay Raffy Tulfo ang groom na iniwan siya isang araw bago ang kasal

- Isang araw kasi bago ang kanilang pag-iisang dibdib ay umalis na ang groom na biglang nagbago ang isip

- Sinabi nitong sawa na raw siya sa ugali ng kanyang nobya na siyang dahilan kung bakit ayaw na umano nitong pakasal

- Magulo rin daw talaga ang isip ng groom na minsan ay nagsabi pa rin na babalikan ang bride subalit hindi naman tinototoo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naging emosyonal si Mary Grace Dollete, ang bride na humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa pang-iiwang nagawa sa kanya ng groom isang araw bago ang kanilang kasal.

Nalaman ng KAMI sinadya pa umano ng staff ni Tulfo si Mary Grace sa Nueva Ecija upang personal na kumustahin ito.

Read also

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

Doon, idinetalye niya kung gaano kasama ng loob niya sa pangyayari lalo na at sa kanya na nakatira noon ang groom na si Lendo Romero.

Bride,tuluyan nang kinasuhan ang groom na umurong sa kasal
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Tanggap na ng pamilya ni Mary Grace si Lendo lalo na at napagdesisyunan na nila ang magpakasal.

Subalit isang araw, inamin na lamang nito na napapagod na umano siya sa ugali ni Mary Grace at nilayasan na niya ito ng tuluyan isang araw bago ang kasal.

Handa na talaga ang lahat, kaya naman malaking kahihiyan ang ibinigay ni Lendo sa kanyang bride.

Maging ang ina ni Mary Grace ay nasasaktan sa nangyari dahil itinuring na niyang hindi iba si Lendo nang ito ay tumira sa kanila.

Mabait din naman daw umano ang lalaki kaya nagtataka rin sila kung bakit biglang nagbago ang isip nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa kay Mary Grace, kung ang ugali niya raw ang dahilan, mas matagal na rin niya sanang sinukuan ang ugali ng dating nobyo.

Read also

Lovely Abella, umalma sa bashers ukol sa gown na bigay ni Kathryn

Ang masakit pa sa ginagawa ni Lendo, kumokontak pa ito sa kanya na animo'y pinaaasa pang babalik siya kay Mary Grace.

Subalit labis talagang nasaktan ang bride kaya naman desidido na siyang kasuhan ang groom.

Sa tulong ng staff ni Tulfo, pormal nang nagsampa ng kaso si Mary Grace laban sa kanyang dating nobyo na si Lendo. Ginawa raw niya ito upang hindi na ito umulit at mabigyan ng leksyon sa ginawa nitong panloloko sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Raquel Pempengco, buong pusong tinanggap ang ina matapos siyang ipa-Tulfo

Isa rin sa mga natulungan ni Tulfo ay ang lalaking nagagawang saktan ng kanyang kinakasama. Nag-viral pa umano ang video kung saan makikita kung gaano katindi ang pananakit ng babae. Tuluyan nang naghiwalay ang dalawa at nangako naman ang lalaki na magbibigay ng sustento sa kanilang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel