Lovely Abella, umalma sa bashers ukol sa gown na bigay ni Kathryn

Lovely Abella, umalma sa bashers ukol sa gown na bigay ni Kathryn

- Umalma sa mga bashers ang bagong kasal na si Lovely Abella kaugnay ng wedding gown na bigay sa kanya ni Kathryn Bernardo

- Nilinaw ni Lovely kung bakit tinanggap niya ang bigay ni Kathryn na gown na tila kini-kwestyon ng mga bashers

- Naging malapit na magkaibigan ang dalawa dahil sa blockbuster movie nila noong 2019 na "Hello, Love Goodbye"

- Sa kabila ng mga isyu, laking pasasalamat pa rin ni Lovely kay Kathryn sa regalo nito na para sa kanya'y isang biyaya na di dapat tanggihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinasal na ang celebrity couple na sina Benj Manalo at Lovely Abella nitong Sabado, Enero 23.

Nalaman ng KAMI na tatlong linggo mula ng second proposal ni Benj kay Lovely noong Enero 1 ay itinuloy na nila ang pag-iisang dibdib na sana'y naganap na noong Oktubre 2020 kung hindi dahil sa pandemic.

Read also

Bride, tuluyan nang kinasuhan ang kanyang groom na umurong sa kasal

Subalit sa kabila ng masayang pag-iisang dibdib ng dalawa, hindi nakawala sa ilang mapanghusgang netizens ang wedding gown na suot ni Lovely sa kanyang espesyal na araw.

Lovely Abella, umalma sa bashers ukol sa wedding gown na bigay ni Kathryn Bernardo
Photo from Lovely Abella
Source: Facebook

Nabanggit kasi niyang bigay ito ng malapit niyang kaibigan na si Kathryn Bernardo. Maaalalang nagsama ang dalawa sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye" noong 2019 at doon namuo ang closeness ng dalawa.

Labis na nadismaya si Lovely sa komento ng ilang mga netizens at tila kini-kwestyon ang pagtanggap nito ng regalo ni Kathryn na wedding gown.

"Grabe pala ang bashers noh? Nandudurog ng puso, di mo alam kung sino at anong klaseng tao sila para manghusga," panimula ng kanyang Instagram post kung saan makikitang magkasama sila ni Kathryn sa larawan.

Nilinaw ni Lovely kung bakit niya tinanggap ang regalo ni Kathryn sa kanya na wedding gown na para sa kanya ay isang biyaya.

Katunayan, sinubukan niyang tumanggi at sinabing siya na ang bahala sa kanyang gown ngunit sadyang mabait si Kathryn.

Read also

Sec. Harry Roque, sinagot ang mga trending na isyung kinasangkutan niya

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Mabait talaga si Kath. Saksi ako sa lahat ng yan, at niregalo niya sa akin ang napakagandang wedding gown na suot ko kagabi na gawa ni @stephtancouture, sabi ko My Ga wag na ako na," kwento pa ni Lovely.

"Pero sabi niya regalo daw niya. 'Wag tayong tumatanggi sa blessings. Yan ang natutunan ko kasi yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila ma-blessed," dagdag pa ng komedyanteng bahagi ng programang 'Bubble Gang.'

"Gusto ko lang sabhin na tulad ninyo tao din kami, nasasaktan sa panghuhusga ninyo, masakit pero siguro nga kailangan tanggapin dahil nasa industriya ako, pero wag kayong ganun, di niyo alam ang mga kwento kaya wag kayong manghusga," pahayag pa ni Lovely.

Katunayan, laking pasalamat daw niya sa kabutihan ni Kathryn na sinigurong magiging maayos at lalo siyang gaganda sa araw ng kanyang kasal.

Read also

Bride na umurong sa kasal, ipina-Tulfo ng kanyang galit na groom

"Thank you for everything, salamat sa mabuti mong PUSO, di ko makakalimutan ang regalo mo," pagtatapos ng mahabang post ni Lovely.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Lovely Abella ay isang Filipina actress na unang nakilala sa kanyang pagiging dancer ng Wowowee. Sa ngayon, nasa ilalim siya ng pangangalaga ng GMA Artist Center at bahagi siya ng gag show na "Bubble Gang." Isa rin siyang matagumpay na businesswoman.

Samantala, ang ang kanya namang mister na si Benj Manalo ay isa ring aktor na anak ng TV host comedian na si Jose Manalo. Tulad ni Lovely, isa ring dancer si Benj. Mas nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Pinggoy sa Kapamilya show na FPJ Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel