Bride na umurong sa kasal, ipina-Tulfo ng kanyang galit na groom

Bride na umurong sa kasal, ipina-Tulfo ng kanyang galit na groom

- Galit na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang groom na inirereklamo ang kanyang bride na biglang umurong sa kanilang kasal

- Iba raw umano ang pakakasalan ng babae at sinasabing nakipagbalikan ito sa dating nobyo

- Masama ang loob ng groom at nais na mabawi na lamang umano ang lahat ng mga naibigay niya sa dating nobya

- Maghaharap sa barangay ang magkabilang panig at hiling ng lalaki na humingi man lang ng tawad sa kanya ang kanya dating pakakasalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang groom na si Christofer Forteza na inirereklamo ang kanya sanang pakakasalan na si Lynie Sedaria.

Sa umpisa ng episode na ito ng 'Wanted sa Radyo,' ipinakita pa ang nakakakilig na proposal video ng dalawa.

Subalit, nalaman ng KAMI na hindi na tuloy ang kasal sapagkat ayon kay Christofer, umatras na lamang si Lynie.

Netizen, nagmalasakit na ihingi ng tulong ang lolo na candy vendor
Bride na umurong sa kasal, ipina-Tulfo ng galit na groom

Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kwento pa ng groom, tila iba raw ang nais nang pakasalan ng kanyang bride na inaakusahan niyang nakipagbalikan sa dati nitong nobyo.

Nang kapanayamin na ni Tulfo si Lynie, sinabi nitong isang dahilan ng pagbabago ng isip niya sa pagpapakasal ay ang pandemya. Hindi raw nakauwi agad si Christofer. At nang sila ay magpisan, doon daw niya nakita ang ugali nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, hiniling na lang ng lalaki na ibalik sa kanya ang mga naibigay niya sa dati niyang nobya.

Sinasabing umaabot na raw ito sa nasa P200,000. Umalma naman ang babae na wala naman siya umanong hinihingi sa dating nobyo at kusa itong binibigay sa kanya.

Masama ang loob ng groom na nagbabalak pang kasuhan ang bride. Subalit minungkahi muna ng programa na magharap ang dalawa sa barangay at baka maari pang madaan sa maayos na pag-uusap ang kanilang sitwasyon.

Groom na tinakasan ang bride, napahagulhol sa pagmamakaawa na 'di siya makasuhan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan, isang groom naman ang nagawang takasan ang kanyang bride, isang araw bago ang kanilang kasal. Humingi ng tulong ang bride kay Tulfo lalo na at siya umano ang gumastos sa kanila sanang kasal.

Samantala, natulungan naman din ni Tulfo ang isang lalaki na nagagawang saktan ng kanyang kinakasama. Sa pamamagitan ng programa ni Tulfo, napagkasunduan na lamang ng dalawang panig na tuluyan nang maghiwalay at susustentuhan na lamang ng lalaki ang kanyang mga anak na nasa babae.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel