Netizen, nagmalasakit na ihingi ng tulong ang lolo na candy vendor
- Viral ang post ng isang nagmalasakit na netizen tungkol sa matandang candy vendor na nakita niya
- Sariling gawa umano ng lolo ang itinitinda sa murang halaga lamang upang may panggastos
- May oras lamang ang paglalako nito dahil diabetic na ang lolo na kailangan na talaga ng pahinga
- Hangad ng uploader na matulungan ang lolo na dapat sana'y di na nagtitinda pa lalo na at mayroon itong karamdaman
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ang post ng netizen na si Kym Manalaysay tungkol sa isang lolo na nagtitinda ng mga candy sa may LRT Tayuman.
Nalaman ng KAMI na may oras lamang umano ang pagtitinda ng lolo dahil ayon kay Kym, diabetic na ito at kinakailangan ng pahinga.
Sa halagang ₱20, apat na candy na raw ang ibibigay nito sa bibili. Ang lolo pa raw mismo ang gumagawa ng candy na kanyang inilalako.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Matanda na si tatay pero nagsisikap pa din magtinda para sa ikakabuhay ng pamilya, please support him," pakiusap ni Kym.
At dahil sa may iniindang karamdaman ang matanda, mula 9 ng umaga hanggang 11 ng umaga lamang ito naglalako at babalik na lamang sa hapon kung siya ay nakapahinga na.
Mungkahi pa ni Kym, kung di naman kumakain ng candy, maaring bumili sa lolo at ipamigay sa batang lansangan ang produkto nito.
Sa ganoong paraan, natulungan ang matanda na bumibili ng kanyang gamot bukod sa pagkain nila sa araw-araw pati na ring ang mga batang lansangan na mabibigyan ng candy.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panahon ng pandemya, mas lalong dumami ang mga kababayan na naghikahos. Kaya naman kahanga-hanga rin ang iba sa atin na nagsusumikap pa ring mairaos ang mga pangangailangan sa araw-araw tulad ng candy vendor.
Gayundin ang nag-viral na basahan vendor na kahit na hirap maglakad dahil na-mild stroke pala ito ay patuloy pa rin na naghahanapbuhay. Dahil sa nagmalasakit na netizen na nag-upload ng kanyang video, dinagsa ito ng tulong at nagkaroon ng sariling sari-sari store na mula kay Raffy Tulfo.
Isa rin ang taho vendor na hindi ininda ang kalagayan kahit pasan pa niya ang kanyang anak habang naglalako. Natulungan din ito dahil sa nagmalasakit na suki niya na nagbahagi ng kanilang sitwasyon sa social media.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh