Sec. Harry Roque, sinagot ang mga trending na isyung kinasangkutan niya

Sec. Harry Roque, sinagot ang mga trending na isyung kinasangkutan niya

- Buong tapang na sinagot ni Secretary Harry Roque ang mga katanungan ni Aiko Melendez kaugnay sa ilang mainit na isyu

- Tinawanan lamang niya ang isyu tungkol sa nag-trending na hair flip ni Pinky Webb noong kinakapanayam nito si Roque

- Nang tanungin naman kung naniniwala siya sa kakayahan ng bise presidenteng si Leny Robredo, inamin niyang hindi

- Hindi din umano siya galit kay Vice Ganda sa kabila ng kanilang palitan ng patutsada kamakailan lang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam kay Aiko Melendez ay ibinahagi ni Secretary Harry Roque ang kanyang opinyon hinggil sa mga isyung kinasangkutan niya na talaga namang naging hot topic sa social media.

Kabilang na nga ang trending na pag-hair flip ni Pinky Webb habang sila ay nagdidiskusyon. Tinawanan lamang ni Roque ang isyung ito at sinabing gagawin niya rin iyon kung may buhok siya.

Sue Ramirez, pinagtanggol ng bf na si Javi Benitez laban sa malisyosong akusasyon

Kaugnay naman sa naging palitan ng patutsada nila ni Vice Ganda, kung saan may pasaring ang TV host tungkol sa isang taong kanyang tinukoy na isang clown.

Ani Roque, hinahangaan niya ang mga clown dahil sa sila yung mga taong nais magpasaya.

Sec. Harry Roque, sinagot ang mga trending na isyung kinasangkutan niya

Photo by Dondi Tawatao
Source: Getty Images

Matatandaang naging kontrobersiyal ang sagot niya sa pahayag ni Vice Ganda kaugnay sa paghahambing umano ni Vice sa vaccine sa sabong panlaba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling bahagi ng video ay sinagot ni Sec. Roque ang mga katanungan ni Aiko habang nasa laruang lie detector ang kanyang kamay para matukoy kung totoo ang kanyang sinasabi.

Naitanong sa kanya kung naniniwala siya sa kapasidad ni Leni Robredo. "Medyo-medyo" ang naging unang sagot niya.

Gayunpaman, dapat ay oo o hindi lamang ang kanyang dapat isagot kaya hindi ang kanyang tugon sa tanong na ito.

Lovely Abella, umalma sa bashers ukol sa gown na bigay ni Kathryn

Ayon naman sa hatol ng lie detector, nagsasabi ng totoo si Sec. Roque.

Hindi din umano siya galit kay Vice Ganda sa kabila ng kanilang naging patutsadahan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Harry Roque ay isang Filipino lawyer at isang dating college professor. Itinalaga siyang Palace spokesperson noong 2017 at umalis noong 2018. Taong 2020 nang muli siyang ibinalik sa pagiging spokesperson.

Umani din ng matinding reaksiyon kamakailan ang pahayag ni Sec. Roque hinggil sa smuggled COVID vaccines.

Matatandaang naging sentro din ng usap-usapan ang video niya na kumakanta na nagkataong sumabay sa matinding pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel