Dominic Roque, pinusuan ang mga binahaging pictures ni Sue Ramirez
- Isa si Sue Ramirez sa idinadawit ng ilang netizens na umano'y tinutukoy sa isang blind item
- Ilan sa mga netizens ang inakusahan siyang buntis umano sa aktor na si Ian Veneracion
- Nag-ugat ang ganitong isyu nang maglabasan ang blind item tungkol sa isang aktres na umano ay nabuntis ng isang aktor
- Hindi naman ito pinalampas ng boyfriend ni Sue na si Javi Benitez at sinupalpal ang basher
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa kabila ng kanilang pananahimik kaugnay sa kumalat na kissing video nila sa Siargao, maraming netizens ang patuloy na nakaabang sa mga posts nina Dominic Roque at Sue Ramirez. Bagamat walang opisyal na paglilinaw mula sa dalawa tungkol sa naturang video, nagpatuloy ang kanilang pagbabahagi ng mga pictures mula sa kanilang bakasyon sa Siargao.
Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang pag-like ni Dominic Roque sa isang post ni Sue.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang simpleng gesture na ito ay nagbigay ng bagong kilig sa kanilang mga tagasuporta, na agad nagkomento na sana ay maging sila na nga. Ayon sa mga netizens, bagay daw sila at pareho naman silang single, kaya't marami ang umaasang magkakaroon ng romantic relationship ang dalawa.
Si Sue ay naging bahagi ng ilang ABS-CBN shows kagaya ng Mula Sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, All of Me, Pangako Sa'yo, at Dolce Amore.
Sa kabila ng mga kontrobersiya ay tahimik lang sina Dominic Roque at Sue Ramirez. Ito ay matapos kumalat ang kissing video nila habang sila ay parehas na nasa Siargao. Sa pag-ingay ng pangalan ng dalawa ay naglabas ng paglilinaw ang ex ni Sue na si Mayor Javi Benitez para linawin na apat na buwan na silang hiwalay ni Sue. Sa kasalukuyan ay dumarami ang sumusuporta kina Dominic at Sue sakali mang maging sila dahil ayon sa kanilang mga followers ay parehas naman silang single at parehas nilang deserve na lumigaya.
Naging usap-usapan sa social media ang nakakatuwang hirit ni Senyora matapos siyang i-follow ni Sue Ramirez sa Instagram. Marami ang naaliw sa naging reaksyon ng internet sensation, lalo na’t binahagi pa niya ang screenshot ng pag-follow ni Sue kalakip ng isang witty na mensahe: “Hindi ka pa nakuntento finallow mo pa talaga ako. Para ano? Ha?? iboblock talaga kitang babaita ka!”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh