Raffy Tulfo, ipinasilip ang ipinatatayong 4 storey house at rest house

Raffy Tulfo, ipinasilip ang ipinatatayong 4 storey house at rest house

- Ipinakita ni Raffy Tulfo ang mga ipinagagawa niyang bahay na inaasahang matatapos sa susunod pang taon

- Sa kanyang bahay, pinagagawa niya ito na apat na palapag dahil sa dami raw ng kanilang mga gamit

- Kayang gumarahe ng limang kotse sa harap at anim na kotse sa likod ang kanilang bagong bahay

- Mayroon din silang pinagagawang rest house sa probinsya na mas malaki kaysa sa bahay nila sa Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaunlak si Raffy Tulfo na ipasilip ang kanyang ipinagagawang bahay sa Maynila at rest house sa probinsya.

Nalaman ng KAMI na nasa dalawang taon na nang masimulan ang bahay niyang mayroon nang pundasyon.

Subalit dahil sa inuuna rin niya ang pagtulong sa mga nangangailangan nating kababayan, tumagal na ang paggawa nito.

Raffy Tulfo, ipinasilip ang ipinatatayong 4 storey house at rest house
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Apat na palapag ang bahay na ipinagagawa nina Tulfo at misis na si Congresswoman Jocelyn Tulfo.

Read also

77-anyos na lolo na pinabayaan na umano ng pamangkin, tutulungan ng RTIA

Paliwanag ni Tulfo, marami raw silang gamit kaya naman umabot sa apat na palapag ang napagdesisyunan nilang taas ng kanilang tahanan.

Nagbiro pa umano ito na dalawang kwarto pa lamang daw ay puno na ng kanyang sapatos habang ang dalawa pa ay para naman sa kanyang mga damit. Gayundin ang mga sapatos at damit ng kanyang misis.

Nabanggit din nitong may elevator ang ipinagagawang bahay dahil sa kagustuhan ni Congresswoman Jocelyn.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kaya ring gumarahe ng nasa 11 mga sasakyan sa harap at likod ng kanilang bahay.

Inaasahang matatapos ito sa Setyembre ng 2022 ayon sa kanilang contractor.

Bukod sa ipinagagawang bahay sa Maynila, mayroon ding rest house na ipatatayo si Tulfo.

May kalakihan ang rest house na ito na mayroong swimming pool, pavilion o function hall, gazebo at shooting range.

Sisimulan pa lamang ang pagpapatayo ng rest house ngayong Enero at nais nilang matapos ito sa first quarter ng 2022.

Read also

Valentine Rosales, nag-sorry sa ilang nabitawang salita tungkol sa mga tao ng Rm. 2207

Narito ang kabuaan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pag-aksyon sa mga sumbong ng mga kababayan nating naaapi, biyaya rin ang hatid niya sa mga kababayan nating naghihikahos at nangangailangan ng tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica