77-anyos na lolo na pinabayaan na umano ng pamangkin, tutulungan ng RTIA
- Inaksyunan ni Raffy Tulfo ang kaawa-awang lolo sa isang viral video na nai-tag sa kanilang programa
- Napag-alamang pinabayaan na umano ang matanda ng pamangkin nito lalo na raw nang hindi na ito makapanlimos para sa kanila
- Naninirahang mag-isa ang matanda at ang mga nagmamalasakit na lamang na kapitbahay ang madalas na nagbibigay sa kanya ng pagkain
- Nang makausap ni Tulfo ang pamangkin, napag-alamang mahirap din pala ang kalagayan nito kaya naman minabuting ipalagak na lamang ang matanda sa pangangalaga ng isang home for the aged
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agad na tumugon ang programa ni Raffy Tulfo matapos na sila ay mai-tag sa viral video ng isang lolo na nasa putikan matapos na ito raw ay matumba at pabayaan umano ng pamangkin.
Nalaman ng KAMI na 77-anyos na ang matanda sa video na si Lolo Carlito na dati ay namamalimos upang mayroong pantustos sa araw-araw na pangangailangan nito.
Ayon pa sa kanyang mga kapitbahay, ang pamangkin nitong si "Butchay" ang dating nakikinabang din sa napapaglimusan ng matanda. Ngunit nang hindi na ito makapanlimos dala ng kahinaan, pinabayaan na lamang umano ito ng pamangkin.
Kwento ni Kellyann Laxamana, ang isa sa mga nagmamalasakit na kapitbahay ng matanda, nagugutom daw si Lolo Carlito nang lumabas ito sa munting bahay niya at natumba kaya naman nakunan ito ng video na nasa putikan.
Hindi raw ito natulungan ng pamangkin dahil sa pagmamadaling umalis at may lakad umano ito.
Ayon pa sa kapitbahay, sila na lamang ang nagbibigay ng pagkain sa matanda mula nang mapansin nilang hindi na ito nakapanlilimos.
Nang kapanayamin ni Tulfo ang pamangkin ng matanda, sinabi nitong ipinagpatayo na lamang nila ng maliit na matutuluyan si Lolo Carlito dahil hindi na umano ito kasya sa kanilang tirahan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nalaman din nitong na mahirap din ang buhay ng pamangkin dahilan para hindi na nito mapangalagaan ng maayos ang matanda.
Kaya naman kumausap na si Tulfo ng social worker ng barangay kung nasaan ang matanda upang maihanap ng home for the aged si Lolo Carlito. Pumayag naman ang matanda lalo na nang malamang mas maalagaan umano siya roon.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Isa sa mga natulungan kamakailan ni Tulfo ang nag-viral na basahan vendor sa Pasig City na binigyan na lamang niya ng maliit na sari-sari store upang hindi na ito maglako ng basahan lalo na at dumanas ito ng mild stroke.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh