Misis sa viral video na nagagawang saktan ang kanyang mister, ipina-Tulfo na

Misis sa viral video na nagagawang saktan ang kanyang mister, ipina-Tulfo na

- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang viral video kung saan kitang-kita ang grabeng pananakit ng misis sa kanyang asawa

- Ang uploader ng video ay ang anak sa unang asawa na labis naaawa na sa kanyang ama na lagi na lamang daw sinasaktan ng kanyang madrasta

- Nang kapanayamin ni Tulfo ang lalaki, umamin ito na noon pa ma'y nananakit na talaga ang kinakasama at matapos ang mahigit isang taon ay tila natauhan na siya na hiwalayan ito

- Ayaw pa sanang makipaghiwalay ng babae at umaasa pa siyang babalik ang lalaki sa kanya subalit si Tulfo na mismo ang tumulong na kumbinsihin ito na hiwalayan na lamang ang mister at baka tuluyan pa rin niya itong masaktan kung sila'y magsama muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na inaksyunan ni Raffy Tulfo ang viral video ng misis na nagagawang saktan ang kanyang mister.

Read also

Vlogger na si Toni Fowler, kinumpirmang single na siya

Nalaman ng KAMI na marami ang nag-tag kay Raffy Tulfo sa video dahil sa kaawa-awa ang lalaki sa kitang-kita na pananakit ng asawa.

Ayon sa uploader ng video na si Kristine Ann Maravilla, anak sa unang asawa ng biktimang si Anthony Maravilla, lagi raw talagang nasasaktan ng kanyang madrasta na si Juwena Dela Peña ang kanyang ama.

Misis sa viral video na nagagawang saktan ang kanyang mister, ipina-Tulfo na
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Hindi naman daw magawang maawat ni Kristine si Juwena sa pananakit sa kanyang ama dahil sa mas malaking babae raw ito kaysa kanya.

Kaya naman upang maipagtanggol kahit na paano ang ama, kinukuhanan na lamang niya ng video ang pananakit na ginagawa ni Juwena sa kinakasama.

Aminado naman si Anthony na noon pa ma'y nananakit nang si Juwena. Nilinaw niyang kinakasama lamang niya ito at hindi pala sila kasal.

Kaya naman ang hiling nitong makipaghiwalay ay mas pinadali lalo na at kitang-kita sa video ang pananakit nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Construction worker na napagkamalang magnanakaw at nabaril, nailibing na

Lumayas na kasi si Anthony sa sarili niyang tahanan kung nasaan si Juwena at kanilang anak dahil hindi na raw siya matiis ang pananakit nito sa kanya.

Kailanman ay di naman daw niya ito sinasaktan at hindi niya iniisip na gumanti.

Nang tanungin ni Tulfo si Anthony ang posibleng dahilan, pansin umano nito na tila wala ito sa katinuan dahil minsan ay maayos naman si Juwena ngunit mas madalas ang pananakit nito na nagagawa tuwing dumarating siya galing trabaho.

Kaya naman kinumbinsi na lamang ni Tulfo na umalis si Juwena sa bahay nina Anthony lalo na at ito na ang umaayaw sa kanya dahil sa pang-aabusong nagagawa.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Nag-viral na taho vendor na pasan ang anak sa paglalako, may food cart business na

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.3 million na ang subscribers na channel na Raffy Tulfo in Action.

Kamakailan, natulungan ni Tulfo na makasuhan ng misis ang mister na nagawa nang makitulog sa bahay ng babae nito isang linggo lamang mula nang sila ay makasal.

Isa rin sa mga naaksyunan ni Tulfo ang isang mister na labis ang sama ng loob sa misis na nabuntis ng sarili niyang tropa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel