Mister, naiyak nang makaharap ang misis na nabuntis ng kanyang tropa

Mister, naiyak nang makaharap ang misis na nabuntis ng kanyang tropa

-Nagkaharap na sa barangay ang mister at ang kanyang misis na nabuntis umano ng sarili niyang tropa

- Talagang naiyak sa sama ng loob ang mister habang kinakausap ang misis at ipinaliliwanag na hindi kailanman siya nanakit lalo pa at ibinibigay naman niya ang lahat ng nais ng asawa

- Itinatanggi pa rin ito ng misis at pilit na sinasabing ang dahilan ng mga pasa at iba pang sugat na natamo sa larawan ay dahil sa mister

- Sa kabila ng pag-uusap nila, desidido ang mister na kasuhan ang misis na tropa pa umano niya ang kalaguyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mister, naiyak nang makaharap ang misis na nabuntis ng kanyang tropa

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook
Source: Facebook

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' si Lucky Bryan Ramos upang ireklamo ang misis na nabuntis umano ng kanyang katropa.

Bukod pa rito, nalaman din ng KAMI na nais na makuha ng mister ang kanyang mga anak na nasa pudar ng misis na si Lady Valerio Ramos.

Misis, nagulantang sa natuklasang sa bahay nila mismo ginagawa ni mister ang pagtataksil

Sa ikalawang bahagi ng episode na ito ng 'Wanted sa Radyo', pinagharap na ni Tulfo ang magkabilang panig sa kanilang barangay.

Doon, bumuhos ang luha ng mister habang nagpapaliwanag at kinakausap ang dating misis na sumama nang tuluyan sa ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon.

Pinabulaanan din ng mister na kailanma'y hindi niya napagbuhatan ng kamay ang asawa na sinasabi naman nitong dahilan kung bakit niya nagawa na maghanap ng iba.

Paliwanag ng mister, nawala na lamang daw isang araw ang misis at nang bumalik ito, puro pasa na sa katawan. Nakita pa umano ng panganay nilang anak ang pag-alis na ito ni Lady.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Subalit iginigiit pa rin ni Lady na ang mga pasa na nakunan niya ng larawan ay dahil sa pananakit umano sa kanya ni Lucky.

"Kung naging battered wife ka sakin, hindi ka magtatagal ng walong taon sakin!" ang naluluhang paliwanag ni Lucky.

Bride, tinakasan ng groom isang araw bago ang kanilang kasal

Sinabi pa ng mister na doble kayod ang ginagawa niya para lamang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya lalo na ang misis na ibinigay naman niya ang lahat ng naisin nito.

Kaya naman ganoon na lamang din ang sama ng loob ng mister dahil mismong tropa pa niya ang naging kalaguuyo ng kanyang asawa.

Matapos ang naging mainit na pag-uusap ng dalawa, nagkasundo ang dalawa na mahihiram ni Lucky ang kanyang mga anak na nasa pudar pa rin ni Lady at patuloy na magbibigay ng mga pagkain at iba pang mga pangangailangan nito.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya sa pagiging "Hari ng public service" sa programa niyang Wanted sa Radyo.

OFW sa Saudi, sinuwerte sa among napakaayos ng trato sa kanya

Sa ngayon, mayroon pa siyang dalawang programa sa TV5 ang 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'.

Bukod sa mga ordinaryong mamamayan na naapi, natutulungan din niyang maaksyunan ang mga hinaing ng mga kilalang personalidad sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel