Misis, nagulantang sa natuklasang sa bahay nila mismo ginagawa ni mister ang pagtataksil

Misis, nagulantang sa natuklasang sa bahay nila mismo ginagawa ni mister ang pagtataksil

- Viral ngayon ang post ng isang misis na kasalukuyang nasa ibang bansa upang magtrabaho

- Ito ay matapos matuklasan ang tungkol sa pagtataksil ng kanyang mister na ginawa nito mismo sa kanilang bahay

- Dipensa naman ng babaeng sinabi umano ng lalaki sa kanya na hiwalay na sila ng kanyang asawa

- Nagmakaawa naman ang dalawa sa legal na asawa na kung maari ay burahin na nito ang kanyang social media post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na nag-viral ang post ng isang misis na nanggalaiti matapos mapag-alaman ang pagtataksil ng kanyang mister habang siya ay nasa ibang bansa upang magtrabaho.

Hindi niya pinangalanan ang babaeng kasama ng kanyang asawa sa mga litratong ibinahagi ngunit makikita sa mga ito ang dalawa na magkatabi sa higaan.

Huli pero di ko kayo ipapatulfo. Ps. Maganda ka na sana e. Kaso mas inatupag mo pang mag pa-araro sa iba kesa mag aral. Nakakaawa mga magulang mo iha. Dear self — sana okay ka lang, sana kayanin mo pa.
Preso, nakatakas matapos mautusang mag-igib ng tubig sa labas ng bilangguan
Misis, nagulantang sa natuklasang sa bahay nila mismo ginagawa ni mister ang pagtataksil

Misis, nagulantang sa natuklasang sa bahay nila mismo ginagawa ni mister ang pagtataksil
Source: Facebook

Ang masaklap pa ay sa mismong bahay umano nila ginawa ang pagtataksil sa kanya.

Depensa naman ng babaeng sinasabing kalaguyo ng lalaki, sinabi umano sa kanya na hiwalay na silang mag-asawa at naniwala umano siya doon kaya siya pumatol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita naman sa mga Facebook Story ng legal na asawa ang mga mensahe ng asawa at ng babae na nakikiusap na kung maari ay burahin na nito ang kanyang post. Humihingi din sila ng dispensa sa kanilang nagawa.

Bumuhos ang suporta para sa legal wife na makikita sa mga mensahe ng kanyang mga kaibigan sa kanya pati na rin ng ibang tao na nakakarelate umano sa kanyang pinagdadaanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

OFW sa Saudi, sinuwerte sa among napakaayos ng trato sa kanya
Misis, nagulantang sa natuklasang sa bahay nila mismo ginagawa ni mister ang pagtataksil

Photo by Marcos del Mazo/LightRocket via Getty Images
Source: Getty Images

Maraming beses nang naibubunyag ang mga ganitong uri ng pagtataksil sa asawa sa pamamagitan ng social media. Kadalasan ay nauuwi sa programang Raffy Tulfo in Action ang mga ganitong uri ng problema upang magawan ng aksyon.

Sa katunayan, mayroon ding isang misis na inireklamo sa nasabing prorama dahil sa pagkakaroon nito ng dalawang kabit.

Isang anak naman ang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo dahil nais niyang mapaalis ang karelasyon ng kanyang ama sa bahay nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel