Anak, nais paalisin ang kabit ng ama na sinisiraan daw ang kanyang ina

Anak, nais paalisin ang kabit ng ama na sinisiraan daw ang kanyang ina

- Humingi ng tulong ang isang anak sa programa ni Raffy Tulfo dahil nais niyang paalisin ang kanyang madrasta na nakatira na sa kanilang tahanan

- OFW ang kanyang ina kaya nasa poder siya ng kanyang ama subalit pakiramdam niyang hindi raw siya welcome doon lalo na at doon na rin nakatira ang bago nitong kinakasama

- Subalit nang makapanayam din ni Tulfo ang ina, wala na raw itong balak na ipaglaban pa ang kanyang karapatan

- Dahil nasa wastong gulang na ang anak, pinayuhan na ito ni Tulfo na tumayo na lamang sa sarili niyang mga paa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak, nais paalisin ang kabit ng ama; ina, ayaw nang ipaglaban ang kanyang karapatan

Photo: Wikimedia Commons
Source: UGC

Isang anak ang dumulog sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo dahil nais niya umanong paalisin sa kanilang bahay ang kinakasama ng kanyang ama.

Nalaman ng KAMI na nasa pudar ng ama si Jessabel Rivera, 21-anyos dahil isang OFW ang kanyang ina na si Josie.

Makagwapo, naging emosyonal sa huling paghaharap nila ni Makaganda sa barangay

Subalit hindi raw makasundo ni Jessabel ang kanyang madrasta na nagagawa pa raw siraan ang kanyang ina.

Hindi rin daw maramdaman ni Jessabel na welcome siya sa tahanan ng sariling ama at parang hindi raw tunay na anak ang trato nito sa kanya.

Paglilinaw naman ng amang si Sammy, may sarili namang kwarto si Jessabel sa kanilang tahanan. Subalit hindi raw ito marunong makasama at maging mga gawaing bahay ay hindi nito magawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang makapanayam naman ni Tulfo ang ina ni Jessabel na nasa ibang bansa, wala na raw itong balak na ipaglaban pa ang kanyang karapatan bilang legal na asawa.

Minsan na raw kasi niya itong nais na ipaglaban subalit nakatira na ang bagong kinakasama ng kanyang asawa sa bahay nito.

Dahil dito, tila naiipit na si Jessabel lalo na at wala nang nais gawing aksyon pa ang kanyang ina.

Bulag na sinaktan at pinagtangkang nakawan, binigyan ng negosyo ni Raffy Tulfo

Minabuti na lamang ni Tulfo na payuhan si Jessabel na dahil nasa wastong gulang naman na ito ay makapagdedesisyon na ito para sa kanyang sarili.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Facebook page ng Radyo Singko 92.3 News FM:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging isang batikang broadcast journalist sa bansa, kilala rin si Raffy Tulfo sa agaran niyang pagtulong sa mga taong naaapi at nagsusumbong sa kanyang programa.

Mapa-ordinaryong mamamayan o kilalang personalidad ay kanyang natutulungan kaya naman nagmistulang sumbungan na siya ng bayan dahil siguradong makapagbibigay siya ng solusyon sa mga dumudulog sa kanyang programa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel