Preso, nakatakas matapos mautusang mag-igib ng tubig sa labas ng bilangguan
- Nakatakas ang isang preso matapos na mautusan siya na mag-igib ng tubig sa labas ng kanilang jail facility
- Nagkaroon ng tyansa ang preso dahil isa siya sa tatlong napakiusapang mag-igib gayung walang tubig sa loob ng bilangguan
- Nakabalik ang dalawa niyang kasama na hindi umanong nagawang pigilan siya sa kanyang pagtakas
- May kasong murder, frustrated murder at attempted murder ang kasong pinagbabayaran ng preso ngunit ngayon ay muli na naman siyang pinaghahanap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pumuga ang isang preso sa Calbayog City matapos na mautusan siyang mag-igib ng tubig sa labas ng jail facility.
Nalaman ng KAMI na ito ay si Jerry Dealagdon na may kasong 2 counts ng murder, frustrated murder at attempted murder.
Ayon sa ulat ni Darlene Cai ng Unang Balita, isa si Jerry sa tatlong nautusan para mag-igib sa labas ng pasilidad gayung nawalan sila ng tubig.
Ito ang nakita umanong pagkakataon ni Jerry para makatakas at hindi na siya napigilan pa ng dalawa niyang kasama na nakabalik naman sa bilanguan.
Agad na ipinaskil sa Facebook page ng Calbayog City Police Station ang larawan ni Jerry upang mas mapabilis ang pagdakip muli nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, hindi naman lahat ng preso ay tila nawawalan na ng pag-asa at ang pagtakas na lamang ang kikita nilang paraan upang makawala sa pagkakabilanggo.
Tulad na lamang ng isang dating kriminal na matapos na makalaya, nag-aral at nakapasa pa sa criminology board exam.
Ang iba namang bilanggo, nagagawa pa ring tumulong kahit na nasa loob ng piitan. Matatandaang ilang mga kababaihang bilanggo ang nakaisip na gumawa ng face mask para naman sa mga kababayan natin noon na labis na naapektuhan ng pagsabog ng Taal.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh