Mga babaeng inmates sa Quezon, nanahi ng mga face masks para sa mga biktima ng Taal eruption

Mga babaeng inmates sa Quezon, nanahi ng mga face masks para sa mga biktima ng Taal eruption

- Kahit nakakulong, nakaisip pa rin ng paraan ang mga babaeng inmates ng Gumaca District Jail upang makatulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal

- Ideya raw ito ng anak ng Jail Officer na siyang bumili ng materyales upang makagawa ng face masks ang mga inmates

- Proud ang jail officer sa kanyang anak at mga nasasakupan dahil sa kanilang munting paraan ay makakatulong sila sa mga evacuees

- Ang nakakamangha pa rito, kamay lamang ang gamit ng mga inmates sa pananahi dahil wala naman silang makina sa loob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na nakakatunaw ng puso ang naisipang gawin ng mga Female person deprived of liberty sa Gumaca District Jail sa probinsya ng Quezon.

Kahit sila'y nakakulong, makapagpapaabot pa rin sila ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal na nagsimulang mag-alboroto noong Enero 12.

Ayon sa post ni Jail Officer 2 Michelle Merilloza, proud daw siya sa kanyang nasasakupang inmates dahil di naging hadlang ang rehas sa pagpapabatid nila ng tulong sa mga kababayang nangangailangan.

Sa naunang post ng Jail Officer, nabanggit nito na ideya ng kanyang anak na si Mycka Eloiza Merilloza ang paggawa ng face masks para sa mga evacuees.

Nang mapanood daw kasi ng dalagita ang sitwasyon ng mga bakwit, nadurog ang puso nito at naisip na tumulong.

Nalaman ng KAMI na si Mycka mismo ang namili ng tela na siyang gagamitin sa pagtatahi at paggawa ng face masks na pangunahing kailangan din ng mga biktima ng Taal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakipag-ugnayan naman ang kanyang ina sa mga inmates. Kahit na walang makinang pantahi, matiyagang ginawa ng mga inamates ang de-kalidad na mga face masks gamit lamang ang kanilang kamay.

Suportado rin ito ng kanilang District Jail Warden na si Jail Chief Inspector Rodante Oblefias.

Sa loob lang ng isang araw, natapos na nila itong gawin dala na rin ng dedikasyon nila na makatulong sa kapwa.

Nasa 100 mga face masks na ang kanilang nagagawa, at patuloy pa rin silang mananahi bago ito ipadala sa mga evacuees sa Lunes.

Patunay lamang ito na likas na matulungin ang mga Pilipino.

Kahit na nasa mahirap din na sitwasyon ang mga babaeng nakakulong sa Quezon, gumawa pa rin sila ng paraan upang makapagparating ng tulong sa mga kababayan nilang mas higit na nangangailangan sa panahon ngayon.

Narito ang kabuuan ng post:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel